Prologue

2 0 0
                                    

Prologue

Isang malakas na suntok ang bumungad sa kanya ng makaapak ang mga paa sa malawak at malinis nilang living room. Napahawak siya sa gilid ng labing dumudugo pero parang manhid ito at hindi man lang ininda ang sakit. Bagkus ay may panunuya ang mga mata nito at nanghahamon pa.

"Ikaw ang rason kung bakit nanatiling lubog sa utang ang kompanya! Ang simple lang naman ng hinihingi kong kapalit, pakasalan mo lang ang anak ng business partner ko at ibibigay ko sayo ang gusto mo! Pero bakit ang tigas ng kokote mo?! Gumawa ka pa ng eskandalo sa board meeting!"

"Why do you keep on pointing your fingers on me and accused for the failure of your business venture?! Shame on you, old man. Ahh, hindi mo ba nagustuhan ang sorpresa ko kanina? Pinaghandaan ko pa naman yun" ngumisi siya at umaktong nanghihinayang.

"Hindi ko kasalanan kung bakit puro palpak ang pinapasukan mong negosyo. Ni minsan ba hindi pumasok sa isip mo na minamalas ka o di kaya'y sabihin na nating karma ang nangyayari sayo?" he click his tongue at tinanaw ang malaking painting na nakasabit sa dingding malapit sa spiral staircase. Nag-iba na ang naka-display dito na noon ay portrait ng ina.

"Tandaan mo, sa akin pa rin nanggagaling ang mga pinanggagastos at mga perang nilulustay mo! Kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan at sundin ang nais kong ipagawa sayo kung ayaw mong mawalan ng silbi at tuluyang ipa-cut ang mga ATM cards mo!"

"Go on. Hindi ako natatakot sa pinagsasabi mo. Why don't you marry that daughter of your old friend instead of me para maisakatuparan ang gusto mo?" pagkatapos niyang sabihin yun ay ilang magkakasunod na suntok muli ang tumama sa mukha niya. Tinatagan niya ang pagtindig para hindi mabuwal sa carpeted na sahig.

"Alberto, tumigil ka!" isang sigaw mula sa itaas ang narinig. Kasunod nun ay ang pagmamadaling yapak sa hagdan pababa.

"Matagal na akong nagtitimpi sa pag-uugali mo! Lumayas ka sa pamamahay ko! Nagdudulot ka lamang ng kahihiyan sa pamilya!" dinuduro pa siya nito at pinanlilisikan ng mata.

"Hindi ko maatim na minahal ka ng Mommy ko. Huwag kang bumitaw ng mga salitang parang pagmamay-ari mo ang perang ginagamit mo sa negosyo, wala kang karapatang angkinin yun. Dahil kahit wala na ang Mommy ko, siya pa rin ang totoong nagmamay-ari nito" matigas na wika niya.

"Sabing lumayas ka na!" hiyaw ng kaharap nito.

"I promise to get whatever you possessed that truly belongs to me in the first place, consider this as my threat old hag" tumalikod na siya dito.

"You will never succeed! Isa ka lang namang bastardo!"

Naikuyom niya na lang ang kamao at mabibigat ang mga paang linisan ang bahay na kinalakihan niya.

The Bastard's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon