Chapter 1

1 0 0
                                    

1: Spilled Drink

Patuloy kong pinaglalaruan ang buhok ni Austin habang nakahiga siya sa mga binti ko. Tutok ang mga mata niya sa cellphone at nang silipin ko ay isang online shop ang tinitingnan niya.

"I bet bagay sayo itong dress" ngumuso pa siya habang tinuturo ang kulay peach na dress sa screen na may embroided na disenyo. "I will purchase it" ni-click niya na agad ang button at hindi ko man lang nagawang makaangal.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa kawalan.

We are used already from this set up. Hindi namin magawang maka-enjoy at magliwaliw sa labas dahil sa iniingatan niyang career. Austin is one of the qualifiers na pinagpipilian para gawing manlalaro sa PBA. Maraming mata ang nakatutok at nakaantabay sa kanya. Kaya ganun na lamang ang pagbabawal sa kanya na walang malalantad na issue patungkol sa kanya. And that's why he is hiding his status. He is hiding me.

Mas dumagdag ang pressure sa kanya lalo na't madaming naka-pending na TV advertisements na gagawin niya. Masidhing pag-iingat ang ginagawa namin lalo na at may nakikita akong malalaking fan base niya sa social media. A single issue can make or break his entire career.

"Hindi na lamang ako pupunta ng party"

Pagkasabi ko nun ay bigla siyang napaupo sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko kaya napatingin ako sa mga nangungusap niyang mga mata.

"Hindi pwede. Kuya mo yun and it was his birthday kaya hindi pwedeng wala ka dun"

"Wala ka naman e"

"I want you to be there and enjoy Love" hinalikan niya ang bawat daliri ko. "I will make a way para makadalo din ako"

Pinangarap ko na sana hindi siya ganun ka kilala at ka-famous. Pero alam kong pagiging selfish ang pinaiiral ko para sa ganun klaseng hiling and I just wanted to punch my face for that.

"Ang dami mo pang gagawin mamaya kaya malabong mangyari" mahina kong sabi. I know I do sound like a desperate kitten longing for some attention but I don't care. Gusto kong makasama siya. Gusto kong mas mahaba yung pagkikita naming dalawa. Gusto kong malaya naming mapahayag ang nararamdaman namin sa isa't isa. Pero kailangan ko ring intindihin ang sitwasyon niya.

"Hahabol ako kapag maagang matapos ang shooting. It was just a two minutes commercial" namalayan ko na lang na pinagsiklop na niya ang mg kamay naming dalawa. "Will you wait for me?" I nod at him and he embrace me into a sudden hug.

I even requested him to cook para sa lunch naming dalawa. Nakaka-miss na kasi yung masasarap niya inihahain sa akin. Tatlong beses sa isang linggo lang kaming magkita at minsan ay madalian lang. Nabigla nga ako kanina pagkagising nang makatanggap ng mensahe sa kanya na puntahan ko siya dito sa condo unit niya. Hindi madali na makapunta dito at baka mabuko pa kami kaya nagiging maingat ako sa bawat galaw.

Nag-decide na lamang ako na dito na rin mismo magbihis para sa party mamayang gabi. Pero mauunang aalis mamaya si Austin since 4:30 ng hapon yung call time niya.

"Let's eat Love" hinila niya ako papunta sa kusina kung saan may mga pagkain nang nakalatag sa round table. "Dig in"

Nagkwentuhan lang kami ng mga random things and happenings. Kahit iisang university lang din ang pinapasukan namin ay bihira ko lang din siya mahagilap. Yun lang kapag may trainings sila sa basketball gym, we usually sneak at their locker room.

"You shower first" saktong binato niya ang towel napunta sa ulo ko kaya parang nakatago ako dun sa tela. He always find this funny kaya mahina siyang napatawa leaving me inside his room.

Napailing na lamang ako at minadaling maligo. Nakita ko ang tinutukoy niyang bodywash na binili para sa akin. Kapag daw dito ako maliligo ay may magagamit na ako. I smiled at his thoughts.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bastard's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon