Mahal ko, sana makinig ka sa sasabihin ko ngayon dahil hindi ko na alam kung makikimkim ko pa ba to sa matagal pa na panahon. Mahal ko , gusto Kong maglabas ng hinanakit sa iyo gusto Kong malaman mo ang isinisigaw ng puso ko dahil napakasakit na talaga na Hanggang ngayon ay ramdan ko pa rin na kahit tayo ang magkasama ay siya ang hinahanap-hanap mo. Na kahit tayo ang magkatabi ay siya ang bukambibig mo. Matagal na panahon na ang lumipas pero Hindi mo pa rin siya makalimutan kahit na anong gawin ko mapasaya lang kita. Ang sakit sakit magmahal at mas lalong masakit ang mahalin ka dahil palagi mong ipinaparamdam sa akin na wala akong saysay sa puso Mo, pero anong magagawa ko? Ikaw ang tinitibok ng puso ko. Oo tawagin mo na akong manhid tawagin mo na akong tanga pero hindi mo mababago ang katotohanang kahit ialay ko sa iyo ang buhay ko at siya parin ang pipiliin mo. Oo manhid na talaga ako! Sa sobrang manhid nga ay hindi ko na maramdaman ang sakit na idinulot mo oo tanga rin ako dahil kahit na pinapakita mo sa akin ma hindi mo ko mahal ay ikaw ang pinipili ng peste Kong puso. Aaminin ko , ang sakit mong mahalin pero kung ang makapagsasaya sayo ay ang mawala ako. Gagawin ko para sa kaligayahan mo.