Pa'no naman ako?

11 1 9
                                    

Prologue:

ang storyang ito ay storya ng isang ordinaryong tao..

UNINTERESTING.

Binabalaan ko na kayo ngayon pa lang.. BORING 'to dahil storya ko to.

sa mga nababasa ko kasi..

kailangan extraordinary ka para magka-lovelife ka..

kailangan special ka para magka-lovelife ka..

kailangan may iba sa'yo para magka-lovelife ka..

kailangan angat ka sa lahat para magka-lovelife ka..

yung tipong, sa una, ikaw ang pinakamalas na tao.. then poof !! lahat na ng swerte na sa'yo..

pwede din na, ikaw yung tipong walang hilig sa gulo pero ang gulo ay mahilig sa'yo.. at sa gulong yun, matatagpuan mo ang prince charming mo..

o di kaya naman, ikaw na ang pinaka-maswerteng tao dahil ikaw na ang ubod ng ganda, ubod ng bait, ubod ng yaman, ubod ng talino.. na ang kulang na lang ay ubod din na boyfriend.

marami pa, marami pang maaaring sitwasyon.. pero ang requirement? iisa lang dapat.. SPECIAL ka.

pero paano ako? wala na ba 'kong karapatang magkaroon ng magandang lovestory dahil ordinaryo lang ako?

Kung tutuusin ay madalas niyo akong mabasa sa mga istoryang binabasa niyo.

hindi niyo nga lang ako pansin dahil..

Isa ako sa mga babaeng madaling mabiktima ng mga lalaking pa-fall kasi wala akong lakas para i-resist yung charm nila.. hindi kasi ako espesyal.

Isa ako sa mga babaeng matatawag na "Trophy Girlfriend" yun bang, pang-display LANG ? Yung mga tipo na hindi sineseryoso.. hindi kasi ako espesyal.

Isa ako sa mga babaeng kayang-kayang biktimahin ng mga Cassanova dahil hindi ko siya kayang baguhin dahil hindi ako espesyal.

Isa ako sa mga babaeng nasa sulok lang at nakatingin sa crush habang yung crush ko ay nakikipagtitigan sa crush niya.. hindi niya ko kayang tapunan ng pansin dahil hindi ako espesyal.

Isa ako sa mga babaeng hindi kayang makipagsagutan sa mga kinatatakutang gangsters sa school.. hindi kasi ako espesyal.

Isa ako sa mga tao sa Cafeteria, Library, Field, Gym, Mall, Park, at kung saan saan pa..

Isa ako sa mga characters na hindi na dapat pang pagtuunan ng pansin dahil hindi naman espesyal, ni-hindi nga ako binibigyan ng pangalan.

I am not a Protagonist, not even an Antagonist. You can say that I'm Neutral.. and that what makes my life uninteresting..

Aminin natin, lahat tayo gusto ng mala-fairytale na lovelife.. yung anu't ano man ang mangyayari.. alam mong happy ending.

Nakakasawa na kaya.. Nakakasawa na manood at kiligin sa lovestory ng iba ? bakit ? sila lang ba may karapatan ? bawal ba sa ordinaryong babae na magkaroon ng lovestory ?

Di ba sa Fairytale, ang happy ending para sa mga Princess lang? paano yan? I'm not a Princess, not even a damsel in distress.. I'm just ME.

---

IAmMinji, Hi babe ? dahil bakasyon. this is it. hahaha. :D Almost done !! ~~

Pa'no naman ako ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon