mall

1 0 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon para ihanda ang gamit ko para mamaya.Tinext ko sina Vanilla na dito kami sa bahay magkikita para sabay na kaming pumunta sa mall.Bandang alas 9 na silang dumating sa bahay tamang tama tapos na akong maligo.At tulad ng dati kasama ni Vanilla ang pinsan niyang si Ken.Si Kate ang huling dumating sa kanilang apat.At talagang na bigla kami sa suot niya.Kaya inayosan namin siya may mga damit din naman ako na hindi ko ginagamit yun ang pinahiram ko at bolla! Ang ganda niya pagnaayosan  dapat lagi siya ganito para lumabas ang tunay na ganda niya.Saktong 10 kaming natapos sa pagaayos sa kanya at mga 10:30 na kaming dumating sa mall, nakita naming kompleto na ang barkada ni Qurt. Sumama di ang nobyo ni Zoyi kaya kanya kanya kaming pares.

ako- Qurt, Jaz- Jhod Xyrus, Yam-ken, Kate-Briks carl, Zoyi- Kriby lance at vanilla-,Zyion..

Ang una naming ginawa ay nanuod ng sine,kumain sa jollibee , pumunta sa world of fun.Nakakatawa nga kasi laban laban kami sa larong basketball at sila Kate at Briks ang nanalo tsaka bagay silang dalawa pero balita ko inlove pa si Bricks sa ex niya.Pero malay natin magkadevelopan sila.Halos laro nga dito eh nilaro namin.Sumayaw din kami sa x box ang galing nga nila Jaz at Jhod .Pero hindi kami nagpahuli ni Qurt sa kantahan.Zoyi at nobyo niya yun lambinga lang ng lambinga ang dalawa.Si Yam naman todo cheer kay Ken.Samantala sina Vanilla at Zyion ayun nag aaway naman para silang couple na may LQ. Nang natapos na naming laruin ang laro dito umalis na kami at noong naka kita kami ng icecream bumili kami.At naglakadlakad sa mall.Nagshopping din kami.Bumili kami ng bagong damit ni Kate.Noong natapos na kami eh umuwi na kami.Dapit hapon na kaming naka uwi galing sa mall.

Bago ako natulog nagpalitan pa kami ni Qurt ng text.Pinaguusap namin ang nangyari kanina at sabi niya kung pwde maulit iyon.Bakit hindi diba masaya silang kasama at nakakatuwa.Marami pa kaming napagusapang tungkol sa mga bagay bagay.Bandang 11 na noon naisipan kung magpaalam sa kanya para matulog.Naging maganda ang tulog ko noon.

sadistang amazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon