Chapter 1 (Ang Pagbabalik)

17 0 0
                                    

(Airport)

FINALLY!!! After 9 years, nakabalik na ulit ako dito sa Pilipinas. Simula kasi nung 8 years old ako nag-stay na kami sa Italy because of what happened 11 years ago.

Kung sila mommy and daddy pumanta dito para puntahan ang isang business meeting, ako pumunta dito di lang dahil sa kagustuhan kong mag-aral dito, kundi dahil narin para umpisahan ang hindi ko naumpisahan noon. Ang PAGHIHIGANTI. Kung noon hindi ko pa kayang ipagtanggol ang mga mahal ko,pwes ngayon sisiguraduhin kong magbabayad ang dapat magbayad.

Nasira ang magandang samahan namin ng pamilya ko because of what he did. Kaya hindi ko hahayaan na hindi siya magdusa sa ginawa niya. Hinding-hindi 'evil smile'

Nandito na kami sa bahay, wala paring pinagbago. Malaki parin at maaliwalas tignan dahil sa malinis na kapaligiran at pintura ng bahay.

Pagpasok namin dito sa loob,WOW! namangha ako dahil sa sobrang linis at ayos. Di talaga pinabayaan nila lola Miranda ang bahay simula nung iniwan namin.

Dumeretyo ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. At iniwan ko sila mommy at daddy na kausap sila lola Miranda at kuya Ryan.

Si kuya Ryan, pinsan ko siya. Pero simula nung nag-stay naman siya sa Italy with his parents, tinuring ko na siyang parang kuya.

Pagpasok ko ng kwarto ko, wala din nagbago, kulay pink parin. Pink kasi ang favorite color ko nung bata ako.

Lumapit ako sa kama ko at umupo. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid ng kwato, at napabuntong hininga ako. mangiyak-ngiyak na ako dahil sa mga masasayang ala-ala sa loob at labas ng bahay na toh. Hmmmm.

Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko.

>>>Song:<<<

Naisipan kong pununta sa garden para maglaro.

Pagkalabas ko, napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang lalaking nakatayo sa harap ng aming gate, at may hawak na----- baril..

Napansin kong unti-unti nang tinataas yung baril na hawak ng lalaki...

"Bela.. Come here"  tawag sakin ni kuya Diego sabay bukas ng pintuan ng bahay

Napatingin ako sa likod ko kung nasaan si kuya. Nakatingin lang sakin ng diretyo si kuya. Ngunit bigla akong umiwas ng tingin nang tignan ko muli ang lalaki na may hawak na baril sa harap ng gate ng aming bahay. At ngayon nasa direksyon ko na ang baril---

Hindi ko na alam kung anu ang gagawin ko. Sisigaw ba ako? Tatakbo? Hindi ko alam.. Hindi----

"Bela!!!"  sigaw ni kuya

Hindi ko pinansin yung sigaw ni kuya at nakatitig lang ako sa may baril...

Nang biglang may yumakap sakin ng mahigpit, kasunod ng putok ng baril..

Pinanood ko lang ang lalaki kung paano siya umalis. Hindi ko siya nakilala dahil sa suot niyang helmet..

Nang mawala na sa paningin ko ang lalaki, napatingin ako sa kuya ko na nakaluhod na, at kanina lang ay mahigpit na nakayakap pero ngayon nararamdaman ko ang unti-unting pagkalas ng yakap niya sa akin.

Tumulo nalang bigla ang mga luha ko dahil sa nakita ko.. Dahil sa kuya ko na may tama ng baril..

Biglang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo ako, daha-dahan kong hinawakanang kamay ni kuya na ngayon nakahiga na siya sa harapan ko..

The REVENGEWhere stories live. Discover now