"Mama! Papa! Bilisan niyo po! Baka wala na doon ang pinaka magandang laruan na gusto ko!" Ipamimili ng laruan ngayong araw si arianne ng kanyang ina at ama dahil nakakuha ito ng mataas na marka at dahil nangako ang tatay niya na kapag nakuha nito ang pinaka mataas na marka sa kanilang klase ay ibibili siya ng kanyang ama ng pinaka gusto niyang laruan na nakita niya noong nakaraang araw ng mamili sila ng mga kakainin. Dahil walong taong gulang palamang ay hindi nila agad binibigay ang mga gusto nito dahil baka maging sunod sa hulo ang bata kaya't binibigyan nila ng task si arianne para makita nito na hindi lahat ng bagay ay makukuha niya basta basta.
Nakarating sila sa mall ng masaya at may malawak na ngiti sa labi ang bata habang hila hila niya ang magkabilang kamay ng kanyang ina at ama papunta sa kinaroroonan ng laruan na gustong gusto ni arianne. Ng makarating sila sa isang store sa loob ng mall ay agad tumakbo ang bata papunta sa kinalalagyan ng laruan na gusto niya pero sa hindi inaasahan ay may isang kamay rin na humawak sa laruan na iyon at ikinakunot noo ni arianne ng makita niya ang bata na may balak makipag agawan sa kanya ng laruan na gusto niya.
"Bitawan mo ang laruan ko bata" Sabi ni arianne sa isang istrangherong batang lalaki sa kanayang harapan.
"Akin ito" Sabay higit ng kaunti sa laruan ng batang lalaki. "Ako ang naunang humawak at isa pa hindi naman para sa mga katulad mo ang laruan na ito dahil isa kang ... " Naputol ang sasabihin ng batang lalaki ng biglang hilahin ni arianne ang laruan.
"Basta! Akin ito, dahil ako ang nauna kahapon pa. Ay hindi!! Nung isang araw ko pa ito nakita kaya akin itong laruan." Sagot agad ni arianne sa batang lalaki na ngayon ay nag iisip ng ibabato niyang linya.
"Kahit na mauna kapang makita itong laruan e, wala ka paring magagawa na kunin ito sakin dahil kami ang may ari ng mall na ito at kaya kitang hindi papasukin dito" Sa sinabi ng batang lalaki ay biglang napaawang ang bibig ng batang babae at napabitaw sa laruang gustong gusto niya.
Walang nagawa si arianne ng dalhin ng batang lalaki ang laruan na pinaghirapan niyang makuha at ang tanging tumakbo sa isip niya ay balang araw kapag nagkita sila ay sinusumpa niya na pagsisisihan ng batang lalaki ang ginawa niya. Ganto magisip si arianne kahit bata pa siya, ng dahil na rin siguro sa kagustuhan niya na makuha ang laruan na pinaghirapan niyang makuha.
Dahil sa biglang tumakbo si arianne ay hindi agad siya nakita ng kanyang ina at ama kaya't natagalan silang hanapin siya. Ng makita nila ang anak ay agad itong nagayang umuwi at ng tanungin kung anong nangyari sa kanya ay hindi na ito sumagot at naglakad nalang ng payuko patungo sa kanilang sasakyan.
Nang makasakay sila sa kanilang kotse ay agad bumuuhos ang napaka lakas na ulan.
"Magingat po ang lahat sa kanilang pagmamaneho dahil ngayon bumubuhos ang napakalakas na si Nelda at kung maaari ay panatilihing sa bahay na lamang kayo maglagi upang makaiwas sa aksidente. Your DJ Rowel" Ang sabi sa radio nila arianne sa loob ng sasakyan.
Dahil siguro sa pagod at kalungkutan ay agad nakatulog si arianne sa hita ng kanyang ina.
"Honey, sa tingin mo anong nangyari kay anne kanina? Na aalala kasi ako para sa anak natin, nagyon ko lang kasi siya nakitang ganon kalungkot."
"Ako din honey ay nababagabag sa kung anong nangyari kay anne sa loob ng store kanina."
Dahil sa sobrang pagiisip ay hindi namalayan ng ama na may isang batang lalaki ang patawid sa daan kaya't sa hindi inaasahan ay agad niyang naiba ang dereksyon ng sasakyan kaya bumangga sila sa isang puno.
Dahil tulog si arianne sa tabi ng kanyang ina ay agad siyang nayakap nito kaya't ang kanyang ina ang napuruhan.
Namatay ang magulang ni arianne ng siya ang iniisip. Nawala sila sa mundong ibabaw na ang kanilang pinakamamahal na anak ang inaalala.
Nagising na si arianne sa hospital at ang agad na bumungad sa kanya ay ang kanyang lolo George na ama ng kanyang ama. At dito niya makikilala ang kanyang 12 J's Cousin na magbabago sa pananaw niya sa buhay.
Dito magsisimula ang unang kabanata.