Prologue:
Ang pag-ibig parang mga shapes yan hindi natin alam kung ilang sides ang nagmamahal sayo.
katulad ng Triangle Isa sa taas isa sa kaliwa at isa sa kanan.
Pare-pareho sila ng sukat kaya lahat equal. Pantay ang tingin nila sa isa't isa.
Paano kung isa ka sa Isang side ng triangle. Magiging masaya ka kaya kung isa ka sa side na yon?
Kase kung isa ka don, maaari kang sumaya pero maaari ka ding masaktan.
E paano kung triangle na 'yon ay Isosceles triangle pala. Kahit balik baliktarin mo man ang mundo, laging may isang naiiwan. May isang masasaktan. Yong dalawa, pwedeng maging masaya. Pero habang nagsasaya sila, may isa pa rin na maiiwan sa ere na laging Luhaan. Paano kung isa ka-side na hindi nila kaparehas? Anong mararamdaman mo?
Paano naman kung hindi mo pala alam na 4 sides kayo? Rectangle kung susukatin. Walang maiiwang luhaan dahil may kapartner sila.
Yung dalawang sides Equal at yung dalawang sides din ay equal. Kaya hindi sila pwedeng magpalit ng partner dahil yung isang pababa, kahit anong pilit nya hindi nya magiging kapareho ang pahalang.
Diba ang square ay 4 sides din. Wala ding maiiwan, walang masasaktan. Pwede nilang mahalin ang isa't isa kase mag kapareho sila. Paano pag hindi nya mahal ang kapareho nya? Paano kung sabihing mahal mo sya, mahal nya yung isa, yung isa mahal nya yung pangalawa, at yung pangalawa mahal ka nya. Anong tawag don? Love Square? Meron ba non?
Basta ang alam ko kung sino ang mag-kapareho sila ang Meant To Be..
BINABASA MO ANG
Equal Sides Are Meant To Be
FanfictionMaraming nagsasabing ano ba ang halaga ng mga Shapes? Bakit kailangang pag-aralan? Makakatulong ba to kung ika'y magmamahal? Kung sabihin ko sa inyong Oo nakakatulong. Maniwala kaya kayo? Ako naniniwala. Dahil minsan Naranasan ko na ding maging si...