Mission 28

48 11 7
                                    

thank you @twingkleTOPAZ

Laura's POV

|KINABUKASAN|

"Ang sweet talaga ng eclavu ko! Di mo talaga ako nakalimutan eh noh?! I miss you!" malanding sabi ni JM kay Reid saka ito yinakap at pilit na hinalikan ito sa may pisngi.

Namigay rin ng mga pasalubong si Reid kina Mylene, JM at Nia at pati narin sa F4 na hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita.

Mga sampung minuto na ang lumipas ng magsimula ang aming lunch time ngunit hindi parin namin sila nakikita. Si Reid ay kanina pa kinukulit ng tatlo kung maganda raw ba sa Cavite at kung ano raw ang mga pinuntahan nila ng kanyang pamilya sa pagaakalang nagbakasyon ito.

"Hahaha sure! Ipapakilala ko kayo kay Mama.  I'm sure matutuwa yon kapag nalaman na may mga bagong kaibigan ako!" dinig kong sabi ni Reid.

"Reid bro!! Surprise!" sigaw ni Andrei.

"Welcome back Reid!" si Rich na may hawak na mga plastic bags.  Kasunod nito sina Troy at Chase na may hawak rin na plastic bags.  Inilapag nila ito sa lamesa saka tinanggal ang mga styro na nasa loob.  Kapwa kami napapikit ng maamoy ang mabangong putahe na nasa loob nito.


Nagbatian muna ang mga ito saka kami sabay sabay na kumain.  Gaya ng nakasanayan ay maingay kami tuwing kumakain dahilan upang lalo kamjng pagtsimisan ng mga estudyante na nasa canteen.

"Oo nga pala, Reid.  May meeting tayo kasama si Coach pagkatapos ng lunch, tungkol ata sa Interhigh."si Rich.

"Ay nakalimutan kong ichika sa inyo mga bakla! Nalipat ata ang schedule ng Interhigh.  Baka malipat ng next week dahil yung Swift Academy at yung tatlo pang school ay busy ang schedule for next next week.  Kaya napagdesisyonan nilang LCIS at iba pang school na sila na lang magadjust." si JM.

"What? That's way too early!" si Troy na ngayon lang nagsalita.

"Oo nga! And bakit tayo ang kailangang magadjust?" tanong ni Rich.

"I've actually heard about it from Lolo but I didn't ask further." si Andrei.  Ng tingnan ko si Chase ay naabutan kong nakatingin rin ito sakin ngunit mabilis rin ito nagiwas ng tingin.  Kanina ko pa ito nahahalata ngunit hindi ko na lamang pinansin.

"Wala tayong magagawa, in fact para rin ito sa pangalan ng mga school. May conclusion kasi ang ibang head na baka sabihin ng ibang school na porket mapera ang mga estudyante rito ay hindi na sila pinagbibigyan." paliwanag ni JM.  "Tas nagsalita narin ang ibang estudyante na kung magaling naman raw talaga ang players natin ay hindi dapat tayo maduwag."

"What the heck? We just need to time prepare!" si Rich.

"Oo nga, this week lang rin kami nagstart magtraining." tukoy ni Nia sa volleyball team nila.  Isa kasi siya sa players nito, at siya pa ang libero nila.

"Oh yeah, ngayon ko lang nalaman na kasali ka pala sa team Nia." si Andrei.

"Ah hehe di naman kasi kayo namamansin noon eh."

"Well ngayon may dahilan na kami para magstay dahil may ichecheer na kami." si Rich.

"I'm not staying for too long." biglang hirit ni Troy.

In Prince's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon