Haaay pagkatapos ng masasayang araw , hell week na naman dahil sa PT. Tapos sa kamalasan ko jusko kagroupo ko si Sopas este Sophia at Ivan plus si Paul jusmeyooo Buti andito sila Micha, Isabela at Princess tas sila Jairus Chad at Yozef (mga boyfriend nila )kaibigan ko dito sa section namin buti nalang talaga.
Habang nagaayos kami para sa task na nakaassign samen napapansin ko kanina pa nilalandi nitong Sopas na toh ang Ivan ko. Aba aba ang landi talaga ng sopas na toh -_- . Eto naman si Ivan halatang tuwang tuwa. Nanmagkatagpo ang mata namin ni Ivan binigyan ko siya ng sign na " Sige ituloy mo yan humanda ka sa mangyayari mamaya " sabay layo kay sopas, sus lalayo kung kelan sinabihan ko.
" Yasmin " tawag saken ni Micha
" Yes? " sabi ko habang nagpaint dito.
" Aalis lang muna ako saglit nagkulang yung materials natin " sabi niya , sakto naalala ko may bibilhin rin ako.
" Ay ako nalang bibili , May kailangan rin kase ako bilhin eh " sabay tungo saken ni Micha
" Guys aalis muna ako ah " sabi ko sakanila habang busy sila sa paggawa ng task namin.
Idedesign namin yung stage dito sa audi. Kase may event na mangyayari, Dahil president ako , ako ang inassign dito.
Sakto naman ng paglabas ko ng pinto, nagkasalubong kami ni Paul na may dalang maraming pagkain.
seeeeeem! nagugutom akoo :(
Nagkatiningnan kami at napansin ko ung mga dala niyang pagkain eh paborito ko. Hmmpp
" Oh ba.. este Yasmin saan ka pupunta? " tanong nito saken habang pinipigilan ko sarili ko wag magutom
" Ah sa national bookstore dyan sa malapit kase kulang materials natin para sa decoration" pagpapaliawanag ko
" ah ganun ba? Samahan nalng kita " sabay ngiti
" Ah wag na tulongan mo nalang sila sa loob at gutom narin sila :) " pagpapalusot ko, ayoko lang makasama siya saken u knooow
" Sasamahan na kita baka mapano kapa bibigay ko lang toh sa saknila sa loob antayin moko dito ah " sabi niya sabay pasok sa loob
Eh ? Engkot ko bat ako sumunod juskoo!
" Tara na Patpat "
" Ay kabayo! " nagulat ako sa nagsalita
Aatakihin ako nito sa puso eh
" Ano ba yan paul papatayin moko sa gulat eh " inis kong sinabi
" Hahaha ang cute mo mainis, tara na nga " sabay hila saken
Habang hinihila niya ko may napansin akong sugat sa pisngi niya
Kaya tumigil ako.
" Wait may sugat ka oh" sabay turo sa pisngi niya
" Ah yaan mo na yan tara na "
Nang makarating kami binili ko na lahat ng kulang samen. Pati narin ung kailangan ko. Tinulungan niya ko buhatin lahat ng binili ko. Nagpaalam ako sa kanya na magcr lang ako.
Kaya habang patungo ako sa cr may nararamdaman akong nakasunod saken
Hindi ko lang pinansin at nagmadali akong pumasok sa cr
Nang matapos ako naghugas ako ng kamay at lumabas na. Nakita ko agad si Paul nakatayo at nagaantay
" Pa...ul" tawag ko sakanya nang biglang may tumakip ng panyo sa bibig ko at sa ilong ko. Bigla nalang ako nakaramdam ng pagkahilo.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionKung mahal mo, bakit mo iiwan? Kung mahal mo , ipaglalaban mo Pero nakakapagod palang magmahal. BESTFRIEND isang salitang nakakasakit ng damdamin. Oo Bestfriend ko siya pero higit pa doon ang tingin ko sa kanya. Ewan ko, pero para sakin hindi na Bes...