Lost Princess 23

3.6K 131 9
                                    

James' POV

Apat na oras na sila sa loob ng Emergency Room .. pero wala pa din kaming balita sa lagay ni Nadine .. hindi namin alam kung Ok na ba sya o Hindi pa ..

napakalma na ako nila Tita Adalia kanina .. kaya hindi na ako nagwawala .. tinawagan namin ang mga parents naming magto tropa at sinabing nandito nga kami ..

pupunta daw sila para makibalita at para dalhan na rin kami ng pagkain .. dahil nga inaantay namin yung resulta ng operation na ginawa kay Nadine ay kahit na kumain hindi namin nagawa ..

pinapunta na din yung ibang kamag-anak nila dito sa Pilipinas .. yung mga nasa Yangdon .. may pinapunta sila dito .. Dalawang Hari at Isang Reyna yata ang pupunta .. upang makibalita ..

isang oras pa ang nagdaan at isa isa ng naglabasan ang mga doctor at nurse ..

"Sir, ginawa po namin ang lahat para sa anak nyo.." sabi ng isang doctor ..

"Ang galing po ng anak nyo dahil umabot sya hanggang dito .." sabi naman ng isang nurse

"pinipilit nya pong labanan ang kanyang sakit .. kahit na hirap na hirap sya .. saludo po kami sa anak nyo.." sabi nilang lahat ..

"Ibig sabihin po ba nito Success ang operation.?" tanong namin

"Opo mahal na Hari—" natigil silang lahat ng may biglang sumigaw sa loob ..

"Code BLUE.!!!!"

code blue.? yun yung sinisigaw nila nung dinala nila si Nadine kanina sa E.R. e .. may nangyari na namang masama.?

"ano pong nangyari.?" tanong ko sa mga nagtatatakbong doktor papasok ulit sa E.R. .. ngunit hindi nila ako sinagot

nabuksan yung kurtina .. at nakita kong nanginginig si Nadine ..

"Nadine.!!? Nadine.!!! Nadine.!!! buksan nyo tong pinto .. Nadine.!!!" sigaw ko habang kinakalamag yung pinto ng Emergency Room ..

napaupo na lang ako sa baba at saka ako umiyak ..

itong araw na to dapat ang pinaka masayang araw namin ni Nadine dahil aayain ko na din syang magpakasal .. nasakin na yung Proposal ring kanina .. pero bat nangyari to ..

bakit sa kanya pa .. bakit ngayon pa .. bakit.?

hindi ko maintindihan .. bakit sa taong mahal na mahal ko pa ..

"James .. wag ka ng umiyak dahil magiging ok si Nadine .. hindi yun papayag ng ganun ganun na lang.. si Nadine pa.." sabi ni Andre sakin

"Oo nga .. Tong James na to OA .. kaya ni Nads yan.." Dagdag ni Junes

"Hindi mabilis sumuko si Nadine .. lalaban yun .." sabi pa ni Jules

Tama .. si Nadine yung tipo ng taong hindi sumusuko .. kaya kakayanin nya yan ..

si Nadine pa .. naalala ko tuloy ang unang pagkikita namin ni Nadine

Flashback

bagong lipat kami sa village .. kaya wala pa akong masyadong kakilala .. lagi akong naglalaro sa labas ng bahay namin .. Basketball .. pero may isang bata na lagi akong inaaway dahil  hindi ko maishoot yung bola ..

e anong magagawa ko e pandak ako .. 4 feet lang ako tapos ang sho-shootan ko e halos 7 1/2 feet ang taas .. edi hindi ko talaga masho-shoot ..

isang araw pinayagan akong maglaro sa labas .. kaya tuwang tuwa ako .. kaso paglabas ko .. kamalas malasan nakasalubong ko yung nanunura sakin  ..

si Andre .. ewan ko ba dun .. bigla na lang nanura saka nagalit .. imbis na ako yung magalit sya yung nagalit .. kaya as usual .. bawas pogi points sa mga girl dahil may black eye ako .. e mas matangkad sakin e .. kaya hindi ko nilabanan baka kasi isabit ako sa puno e ..

tapos bigla syang dumating .. ang babaeng amazona .. si Nadine .. binatukan ni Nadine si Andre .. at pinag sorry sakin .. ang pinakamalaking bata sa buong village namin  ay ginaganun ganun lang nya .. hindi sya natakot .. kaya humanga ako sa tapang at lakas nya ..

tapos nung araw na yon naging friends na kaming tatlo .. nakakahiya mang aminin pero dahil sa ginawa nyang yon .. nagkagusto na ako sa kanya .. tsaka nakakahiya talagang aminin kasi babae pa nagligtas sakin ..

pero huli na yon dahil hindi na ulit ako nakipag away .. kasi bawas pogi points e ..

End Of Flashback

kaya alam kong kakayanin nya yan .. naniniwala akong makakaya nya itong pagsubok sa kanya ..

kung dati nga hindi sya natakot kay Andre na halos doble ng laki sa kanya para nagagawan nya yung ganun .. ito pa kaya .. sakit lang yan .. kaya nya yan ..

walang inuurungang laban si Nadine .. kaya alam kong yakang-yaka nya to ..

at isa pang dahilan ay hindi ako papayag na hindi nya makukuha ang apilyedo ko .. hindi ako papayag na hindi sya tawaging Mrs. Reid ..

marami pa akong pangarap sa kanya .. saming dalawa .. kaya Nadine kailangan mong mabuhay .. lagi mong tandaan .. nandito lang ako lagi para sayo ..

The Lost Princess (KathNiel And JaDine FanFic) .WTëärs.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon