May isang babae na nagngangalang Nikki. Siya ay simple at mabait, ang problema lang sa kanya ay tamad at di gaanong malinis dahil diyan halos araw-araw siyang napapagaitan ng kaniyang nanay. Pasukan na bukas kaya malungkot siya. Hindi siya makatulog baka raw kasi maulit ang nangyari sa kanya sa unang pasukan last year, na napahiya siya sa harap ng maraming tao. Inabot na siya ng umaga sa kakaisip sa mangyayari sa kanya. Napagisip isip niya maaga na lang siyang papasok upang kung sakaling may mangyari sa kaniyang kahihiyan hindi siya makikita ng maramig tao. Pumasok na siya, pinakauna siyang dumating, habang naglalakad siya natapilok siya at natumba tapos gumulong gulong siya na parang bola, tumalon talon siya dahil masaya siya kahit na nasaktan siya, dahil walang nakakita sa kanya pero hindi niya alam may mga CCTV camera sa paligid ng paaralan. Tawa ng tawa ang nagmomonitor ng cctv camera sa paaralan nila na si Kris kasi nakita niya na masaya si Nikki kahit na nasaktan ito. Parami na ng parami ang studyante sa paaralan at ang hindi alam ni Nikki kumalat na sa internet ang nangyari sa kanya dahil ipinagkalat ito ni Kris. Nagtataka si Nikki kung bakit siya pinagtitinginan ng mga tao. Tumingala si Nikki at doon niya napansin na may mga cctv camera pala sa paligid ng paaralan tumakbo siya papunta doon sa pinang yarihn nong matapilok siya at nakitang may cctv camera doon at nakaharap pa mismo sa kanya. Galit na galit siya, gusto niyang malaman kung sino ang nagmomonitor ng cctv nagtanong tanong siya at nalaman niyang kris ang pangalan, kaya naman pinuntahan niya ito. Nong dumating na siya napatitig siya ng sandali at hindi siya makapaniwala na nagawa ni Kris iyon dahil ang amo ng mukha niya, napaka cute at lalaking lalaki. Nagpadala ito sa emosyon niya at binalewala nalang ang ginawa ni Kris. ‘’kring kring’’ oras na para sa first subject nila. Kaya tumakbo siya ng tumakbo upang hindi malate ng bigla siyang bumangga sa isang lalaki na nagngangalang Lay. Tumayo si Nikki at nagpatuloy na tumakbo, si Lay naman ay nanatiling nakatayo at tulalang tulala na parabang nakakita ng engkanto. Dumating na late si Lay sa klase nila. Masayang masaya siya nong Makita niyang magkaklase pala sila ng matalik niyang kaibigan na si Kris at nang babaeng nabangga niya na si Nikki. Bago nagsimula ang klase ipinakilala nila ang isa’t isa sa harap ng kanilang klase at ri-niquest ng teacher na bumuo ng grupo na sa bawat grupo ay may tatlong miyembro. Naging magkagrupo si Kris, si Nikki at si Lay. Doon sila naging magkakaibigan. Araw araw, oras oras palagi silang magkakasama hanggang iba na ang naging pagtingin ni Lay kay nikki at hindi rin alam ni Lay na ganundin ang nararamdaman ni Kris kay Nikki. Sa paglipas ng isang buwan hindi na rin maintindihan ni Nikki ang nararamdaman niya litong lito na siya dahil pantay na ang naging pagtigin niya kay Kris at Lay kaya naman nakapagdesisyon siyang lumayo muna at lumipat sa ibang paaralan dahil alam niya na iyon ang makakabuti sa kanilang tatlo. Bago paman siya umalis sinabi niya sa mga kaklase niya na wag sabihin kay Kris at Lay ang tungkol sa paglayo niya at magbigay nalang ng ibang dahilan kung bakit siya wala. Papasok na si Nikki sa airport ng malaman ito ni Kris. Dali daling pumunta sa airport si Kris dahil sa pagmamadali niya hindi niya namalayan ang sumasalubong sa kanyang malaking sasakyan dahil doon na-aksidente siya. Si Nikki naman parang may naramdaman siyang masamang nangyari. Habang nakalinya siya nakita niya sa screen ang balita at kitang kita niya na si Kris ang na-aksidente. Dali dali siyang pumunta sa hospital kung saan nakaconfine si Kris. Sabi ng doctor dahil sa nangyaring aksidente nacomatose si Kris at malubha ang kalagayan niya na maari niyang ikamatay. Nagsisisi si Nikki dahil alam niya na siya ang dahilan kung bakit naaksidente si Kris kaya naman siya yong tumayong guardian habang wala pa ang kaniyang mga magulang. Habang binabasa ni Lay ang loveletter na ibibigay sana ni Kris kay Nikki tinawagan siya ni Nikki at sinabi ang kalagayan ni Kris. Kahit na ganon ang kalagayan ni Kris galit parin si Lay sa kanya at parang gusto na niya itong mawala, dahil akala niya mas gusto ni Nikki si Kris. Lumipas ang isang araw binisita ni Lay si Kris at nagkataon na walang taong nagbabantay kay kris. Nagpadala si lay sa pagaakala niya sa nararamdaman ni Nikki kaya naman doon na tinapos ni Lay ang buhay ni Kris upang hindi na magising para mahalin si Nikki. Hindi niya alam na nasa likod niya si Nikki at nakita niya mismo ang ginawa niya kay Kris. Tumulo na ang luha ni nikki at doon ipinagtapat niya ang nararamdaman niya, na mas minahal niya si lay kaysa kay Kris pero sa pagkakataong ito napalitan ito ng galit at pagkamunhi sa kanya. Ikinulong si lay matapos matalo sa korte. Si Nikki naman unti unti nang nakakamove on. Habang si Lay nagsisisi dahil sa buong buhay niya wala siyang nagawang tama maliban na lang na minahal niya si Nikki pero dahil doon nakapatay siya ng inoscenteng tao, na nagmamahal din dahil sa maling pagaakala niya.