Kabanata 16

47 6 1
                                    

Gabby's POV:

"I'm sorry sa nangyari kahapon." pagbasag ni Andreas sa katahimikan na namagitan sa amin sa loob ng ilang minuto.

Nasa loob lang kami ng sasakyan niya na nakaparada sa labas ng restobar.

"Hindi mo naman kailangang magsorry, Andreas. Naiintindihan ko. Sorry din kung hindi ko makuhang magtiwala agad sa nararamdaman mo. Sana maintindihan mo rin."

"I understand, Gabriela pero sana bigyan mo ko ng chance na patunayan sayo 'yon. Na totoo ang nararamdaman ko para sa'yo."

"Andreas, h-hindi pa ako handa para. . ."

"I know, but please don't stop me from doing what I want to do for you hanggang sa dumating 'yong time na handa ka nang harapin 'yong nararamdaman ko." seryoso niyang pakiusap sa'kin.

"Hindi ako s-sigurado kung kailan mangyayari 'yan, Andreas. Tsaka hindi mo pa ako lubusang kilala, paano mo nasasabing pagmamahal nga 'yang nararamdaman mo?"

"I just know. Hindi ko alam kelan nagsimula 'to. Maybe. . . right after I laid my eyes on you nung una kitang makita."

"Iwan ko. Hindi ba pwedeng ibaling mo nalang sa iba 'yang nararamdaman mo kung meron?"

"I can't teach my heart to love somebody else, Gab. Ang kaya ko lang ay gawin ang lahat ng makakaya ko para mahalin mo din ako." napatitig tuloy ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

May kakaibang sundot sa puso ko 'yong mga sinabi niya. Kakaibang saya na di ko maipaliwanag dahil ngayon ko lang naramdaman ang sayang ganito.

"Ayoko ng gulo, Andreas at sana alam mo 'yon. Hindi magkapareho 'yong mundong ginagalawan natin at alam kong mare-realize mo din 'yan pagdating ng panahon." nanaig pa rin ang isang bahagi ng utak ko na ayaw sumugal.

"Pareho lang tayong tao, Gabriela. Hindi tayo magkaiba dahil 'yang sinasabi mong mundo, puro materyal lang na bagay ang meron ako. Nabibilang lang sa daliri ko ang mga taong totoo ang ipinapakita sa'kin. Kung tutuusin, maswerte ka pa nga eh dahil mas totoo 'yong mundo mo." may laman lahat ng sinabi niya at naiintindihan ko 'yong gusto niyang iparating sa'kin.

"Sana naman hayaan mong kahit sa simpleng pagkakaibigan tayo magsimula. Sana bigyan mo 'ko ng kahit kunting tiwala man lang na pwede kong panghawakan, Gab."

Sa kabila ng napakaamo niyang mukha ay kita ko ang lungkot na sumilay sa mga mata niya.

Sige na Gab, pakikipagkaibigan at kaunting tiwala lang naman ang hinihingi niya. Pagbigyan mo na.

Pero tama nga kayang makinig ako sa utak ko na pagbigyan si Andreas? Paano kung maging magulo lang ang lahat? Paano kung hindi dumating 'yong time na matutunan ko siyang mahalin?

"M-Magkaibigan na naman tayo di ba? Hindi pa ba sapat 'yon?" tanong ko.

"Pero wala ka pa ring tiwala sa'kin. Naiilang ka pa rin kapag kasama ako. Hindi tulad kay Maximus na sobrang komportable ka." napatingin ulit ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Iba si Max. Iba ka din. Matagal ko nang kilala si Max tsaka sa tagal na 'yon napatunayan na niya ang sarili niya sa'kin. Para ko nang nakakatandang kapatid 'yon." paliwanag ko.

Ayokong hinuhusgahan 'yong relasyon namin ni Max lalo pa't hindi pa nila kami kilala.

Napangiti siya bigla. May nakakaaliw ba sa sinabi ko? Parang wala naman ah.

Messing With Miss OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon