KABANATA 1: SIMULA NG MAGANDANG SAMAHAN

153 2 1
                                    

KABANATA 1:

Simula ng Magandang Samahan

JUNE taong 1983. Unang araw ng klase. Sa isang maliit na bungalow na ginawang isang pre-school, makikita natin sa isang malaking bakuran kung saan may isang playground. Malayang nakakapaglaro ang lahat ng mga estudyante na nag-aaral doon. May isang maliit na sandbox, tatlong swing, dalawang seesaw, isang mahabang slide at isang maliit na bahay-bahayan kung saan madalas maglaro ang mga bata. May monkey bars din kung saan naglalambitin ang karamihan ng mga bata.  Dito pumapasok ang apat na taong gulang na si Glenda bilang nursery.

Sa unang araw ni Glenda sa eskuwelahan, makikita natin itong nakaupo mag-isa sa swing, pinapanood ang ibang mga batang naglalaro. May pagkamahiyain ito, wala pa kasing kakilalang ibang bata. Hindi niya inaasahan na may isang batang lalaki na lalapit sa kanya, ito si Luke.

            “Kilala kita,” nakangiting lapit ni Luke kay Glenda, “ikaw ‘yung bata na nakatira sa katabi ng bahay namin.”

            Hindi naman sasagutin ni Glenda si Luke. Wala sa mood makipag-usap ang batang babae. Ibabaling na lang nito ang paningin sa ibang mga bata sa playground. Pero makulit pa rin si Luke, haharangan niya ang tinitignan ni Glenda.

            “Ako si Luke, ikaw si?” masiglang tanong ni Luke.

            Hindi pa rin sasagot si Glenda, maiinis sa kakulitan ni Luke. Tatayo na lang ito at tatakbo papunta sa may bahay-bahayan at doon magtatago. Makikihalo siya sa mga batang naglalaro doon para di mahabol ng makulit na si Luke.

Ilang sandali pa, mapapansin ni Glenda na hindi na siya sinundan ni Luke. Lilingun-lingon siya sa paligid para hanapin ito, pero hindi niya ito makita. Makakahinga na siya ng malalim. Sisilip na lang siya sa bintana ng bahay-bahayan para tanawin ang playground. Mula sa kanyang kinalalagyan, kitang-kita niya ang slide kung saan may ilang mga batang masasayang nagpapadulas. Mapapangiti siya na makitang may mga masasayang bata. Tila nahahalina siya na magpadulas din. Magugulat na lang si Glenda nang biglang may hahalik sa kanya. Matitigilan siya. Hahanapin niya agad ang humalik sa kanya, si Luke pala ito na nagtatago sa gilid ng bintana ng bahay-bahayan. Kikindatan pa siya nito na parang nakakaloko.

            Maiinis si Glenda sa paghalik sa kanya ni Luke. Lalabas siya sa bahay-bahayan at kukuwelyuhan si Luke.

            “Bakit mo ako hinalikan?” Sigang tanong ni Glenda.

            “Ang kyut mo kasi eh,” sagot naman ni Luke.

            Maiinis si Glenda kay Luke, “Bastos ka!” Itutulak niya ito sa may sandbox at dadaganan niya ito. Sasabunutan ni Glenda si Luke. Makikita naman agad sila ng mga teacher aide na nagbabantay sa may playground. Pipigilan agad nila si Glenda sa patuloy na pagsapok kay Luke.

            Agad ipatatawag ng Principal ang mga magulang ng dalawang bata dahil sa nangyari. “Bakit kayo nag-aaway? At lalo ka na Glenda, kababae mong tao nakikipagaway ka sa lalaki!” Hiyang-hiya naman ang mga magulang ng dalawang bata dahil sa nangyari, lalo na nang malaman nilang magkapitbahay pa ang mga pamilya nila.

            Kaladkad pauwi na may kasamang pingot sa tenga si Glenda ng inang si Celia. “Ikaw talaga bata ka… bakit mo ginawa yun? Nakakahiya!”

Teacher si Celia ng isang Public High School. Nang mamatay ang asawa niya ay iniwanan sila ng isang magandang bahay sa isang exclusive subdivision. Nasa 250 square meters din ang bahay na pinatayo ng namayapang asawa niya. Malaki ito para sa kanilang mag-ina.

ALMOST AN AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon