KABANATA 10: PAALAM

17 0 0
                                    

MAKALIPAS ang ilaw araw, makikita nating nakaupong umiiyak si Glenda sa may bintana ng kuwarto niya. Hindi niya maipaliwanag ang kalungkutan na kanyang nararamdaman. Tinitignan niya ang bintana sa kabilang bahay, ang dating kuwarto ni Luke.

Naaalala niya ‘yung unang beses na napangiti siya ni Luke. Naka-make up ito ng clown at pinapatawa siya. Gusto niya sana na lumabas muli ang batang Luke na nakasuot ng clown para alisin ang kalungkutang nararamdaman niya.

Hawak din ni Glenda ang puting panyo na binigay sa kanya ni Luke nung prom night. May burdang pangalan ni Luke ang panyo. Gagamitin niya ito para punasan ang mga luha niya. Gusto niya sana na muling imbitahan siya ni Luke para isayaw sa prom, para magkasiyahan sila, para mawala ang problema nila gaya ng dati. Naaalala niya ang bawat detalye ng masasayang samahan nila ni Luke na alam niyang mahirap na maibalik pang muli.

            Matitigil ang pag-e-emote ni Glenda nang may marinig siyang kumalabog sa may ibaba. Maiisip niya na baka nadulas si Lolo Lucio kaya pupuntahan niya agad ito.

            “Lolo? Lolo?” papahiran niya ang kanyang mga luha at lalabas ng kuwarto. Bababa na siya ng hagdan, hahanapin niya kung nasaan si Lolo. Pagbaba niya ay pupuntahan niya ito sa kuwarto nito. Pagsilip niya ay wala naman ito dun, kaya magtataka siya. Baka hindi si Lolo ang narinig niya na nadulas? Pero pagbaling niya sa may sala, makikita niyang nakahandusay si Lucio sa sahig.

            Matataranta si Glenda. “Lolo!!!” sigaw ni Glenda.

Lalapitan niya agad si Lucio. Yayakapin niya agad ito. Titignan ang pulso nito. Mararamdaman niya na medyo mahina na ang pulso. Maiiyak na siya. Hindi niya alam ang gagawin. Tatawag ba siya ng ambulansya? Hihingi ba siya ng tulong sa mga kapitbahay? Pero hindi niya maiwanan ang kanyang Lolo. Maiisip niya si Luke? Tatawagan ba niya si Luke? Lalong matataranta si Glenda. Yayakapin lang niya ang katawan ng kanyang Lolo habang sumisigaw at humihingi ng tulong sa mga kapitbahay.

            “Mga kapitbahay! Tulungan n’yo kami… tulungan n’yo Lolo ko!!!” malakas na palahaw ni Glenda.

            Iyak siya ng iyak habang yakap-yakap ang kanyang Lolo.

BUROL ni Lucio. Sa isang maliit na punerarya ibinurol si Lucio. Makikita ang maraming mga bulaklak na nakapaligid sa ataol ng patay. Bawat bulaklak ay may nakasaad na pakikiramay sa pamilyang naiwan. Madami ding mga bisita ang naroon upang sulyapan sa huling pagkakataon si Lucio.

            Makikita natin si Glenda na nakaupo sa mga pews sa punerarya, kinakausap ang mga bisita. Bakas sa mga mata niya na katatapos lang niyang umiyak dahil medyo namamaga pa ang mga ito. Pipilitin niyang magpakatatag.

Maya-maya pa’y dumating na ang anak ng namatay, si Celia. Diretso pa ito mula sa airport. Dala ang mga maleta. Nagmamadaling umuwi para sa burol ng ama. Hindi na niya nagawang tapusin pa ang kanyang kontrata.

            Pagkabungad ni Celia sa pintuan ng kuwarto ay sasalubungin na siya ni Glenda.

            “Mommy...” Yayakapin agad ni Glenda ang kanyang ina. Mahigpit na mahigpit ang yakap niya. Miss na miss niya ang ina. Sa lahat ng mga nangyari, ang yakap ng kanyang ina ang kailangan niya. Magkakaiyakan na sila sa pintuan pa lamang. Halos lahat ng mga bisita na naroon ay naluha din sa tagpo ng mag-ina.

            Ilang sandali pa, dahan-dahang lumapit si Celia sa kabaong ng kanyang ama. Kasunod niya sa likod ang kanyang anak.

Bawat hakbang ni Celia palapit sa kabaong ay parang nanginginig ang mga tuhod niya at nanghihina. Tinitignan niya ang larawan ng kanyang ama na nasa ibabaw ng ataol. Sa larawang iyon, nakangiti pa si Lucio. Hindi makapaniwala si Celia na hindi na niya muli pang masisilayan ang mga ngiting iyon. Kahit naninikip na ang kanyang dibdib, hindi pa rin tumutulo ang kanyang mga luha. Pinipigilan ni Celia ang maiyak. Paglapit na paglapit niya sa kabaong, hindi na niya napigil ang sarili.

ALMOST AN AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon