Padabog na binato ni Cindy ang hawak nitong libro dahil sa inis, pano ba naman kasi ay nag iisa lang ito sa bahay dahil umuwi sa probinsya ang kanyang magulang para asikasuhin ang kanilang business, pagkaalis na pagkaalis ng mga ito ay agad namang nag impake ang kanyang nakaka tandang kapatid para mag island hopping kasama ng kanyang boyfriend. Humingi na lamang ito ng suhol na pera para hindi sya magsumbong sa parents nila. Laking tuwa nya nang iabot ng ate nya ang credit card nya.
"You brat! dalawang araw lang kaming mawawala so wag kang gumastos ng pang isang taon! Understood?! "mataray na sabi ng ate nya habang nagsusukat ng damit na susuotin
"Whatever Ate, bakit hindi ka humingi ng pambayad sa boyfriend mong bwisit para naman matuwa ako sakanya?" sabay tawa at padabog na isinara ang pintuan.
Naka ilang pilit naman ang ate nya na isama sya pero hindi din sya napilit nito dahil alam nyang hindi din sya mag eenjoy at ayaw na ayaw nyang nakikisalamuha sa ibang tao.
Nangako ang ate nya uuwi agad ito after 2 days, pero dahil sa biglang sama ang panahon, wala silang choice kung hindi mag stay pa ng dalawang araw hanggang sa tuluyang ma clear ang daan.
"Lagot ka kay Mom at Dad pag di ka pa umuwi ngayon" Cindy murmured.
She grabbed her phone and started texting her sister.
Cindy: Ate, nasan na ba kayo? pag past 12 na at wala ka pa din, tatawagan ko na talaga si Mom!
Mara: Hey Lil sis. Missed me that much? We're on our way home na.
Cindy: ahh.. so kasama mo padin ang boyfriend mong bwiset?!
Mara: Yes Cindy. Im still with Rex. Do we have food in there?
Cindy: Good thing you asked. Im starving na, at di ko alam magluto. So please bumili kayo ng food.
Mara: Sure. pero di ka magsusumbong kay Mom right?
Cindy: Ano pa nga ba?!
Pinatay ni Cindy ang kanyang music player at tumungo sa banyo para ayusin ang sarili, lagi kasi itong inaasar ni Rex sa tuwing nakikita sya kaya naman kumukulo ang dugo nya nang malaman nyang pupunta ito sa bahay. After 10 minutes, nakarinig sya ng malakas na pag katok sa pinto. Hindi naman nya ito pinansin at tinext ang kapatid.
Cindy: "Wala ka bang dalang susi? Kung wala, pwes manigas kayo dyan sa labas.!"
Mara: Huh? Nandito pa kami sa Mcdo Sis, wait lang." reply ng ate nya.
Cindy: di nga? may kumakatok kasi. wait titignan ko.
Nagtataka syang lumabas ng kwarto para tignan kung sino ang kumakatok.
Mara: You know the drill right?." Mara texted
Cindy: yes. wag buksan ang pinto kung hindi kakilala at wag titingin sa mata.
Mara: good. sabihan mo ko agad kung sino yan ha?
Cindy: there are kids outside. mukha namang hindi beggars. Papasukin ko ba?
Mara: A BIG FAT NO!
Cindy: e anong gagawin ko? kawawa naman, mukhang may masakit pa dun sa isa.
Mara: ilan ba sila?anong itsura?mga ilang taon na sa tingin mo?
Cindy: hmm, apat sila. Tatlong lalaki, isang babae. age 7-10 I think? Nakasilip ako sa bintana, pinaupo nila yung batang babae sa rocking chair natin.
Cindy: They keep on knocking.
Pasimple pa din itong naka silip sa bintana.
Mara: Wait for us. wag mong bubuksan ang pinto.
Cindy: Bakit ba kasi? Nakakaawa naman sila.
Mara: Basta wag mong bubuksan and wag mo hayaang makita ka nila.
Cindy: They're not going anywhere, but they keep on knocking.
Cindy: Ang lakas na
Cindy: palakas ng palakas
Mara: stay where you are. Nasa car na kami.
Cindy: okay, but can I atleast asked them kung anong kailangan nila? baka kasi naliligaw lang or what?
YOU ARE READING
THE BLACK EYED KIDS (HORROR SHORT STORY)
TerrorBlack-eyed children (or black-eyed kids) are an urban legend of supposed paranormal creatures that resemble children between the ages of 6 and 16,[1] with pale skin and black eyes, who are reportedly seen hitchhiking or panhandling or are encountere...