Chapter Zero: I’m pregnant with the gangster’s child
“JHOYCE Anne is pregnant... with my child. So starting today, she’ll be living with us.”
Nag-angat ako ng tingin para makita ang reaksyon ng mga kaibigan ni Alexander na sina Racoon, Ross at Warren pagkatapos ng announcement niya at gaya nga ng inaasahan ko, gulat at pagkalito ang nakita ko sa mga mukha nila. Nilingon ko si Alexander, at nasaktan naman ako sa nakita kong pagkapagod sa mukha niya na para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon namin.
Na para bang labag pa sa kalooban niya ang desisyong panagutan ako.
Nawala lang kay Alexander ang atensiyon ko nang tumikhim ng malakas si Racoon at itinaas pa ang kamay. “Boss, may tanong lang ako.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kung babae lang si Racoon, taklesa ang tawag sa kanya. Kaya sigurado akong hindi maganda ang lalabas sa bibig ng lalaking 'to.
“Ano 'yon, Racoon?” naiinip na tanong ni Alexander kay Racoon na nagpapalipat-lipat ng tingin sa’min ng boyfriend ko.
“Hindi ka ba marunong gumamit ng condom?” deretsang tanong ni Racoon.
Napayuko na lang ako, nag-iinit ang mga pisngi. Sinasabi ko na nga ba’t walang magandang lalabas sa bibig ni Racoon. Sa totoo lang, si Racoon talaga ang ang pinakakasundo ko sa mga kaibigan ni Alexander dahil masayahin siyang tao, palabiro at magaang kasama. Pero madalas talaga, nauunang bumuka ang bibig niya bago gumana ang isip niya.
“Racoon,” nagbabantang saway ni Alexander sa kaibigan.
Ngumisi si Racoon at nag-peace sign. “Nagtatanong lang.”
Tinapunan lang ni Alexander ng masamang tingin si Racoon bago binalingan si Ross na naka-pantalon lang pala, nakabilad ang magandang katawan habang tumutungga ng alak. “Ross, simula ngayon, dito na titira si Jhoyce Anne kaya kung puwede sana, matuto ka nang magsuot ng T-shirt.”
Kumunot ang noo ni Ross. “Siya ang makikitira rito, bakit ako ang kailangang mag-adjust?”
Nanlamig ako. Kakambal ni Racoon si Ross, pero hindi tulad ni Racoon na ka-close ko, ramdam kong ayaw sa’kin ni Ross. Malamig ang pakikitungo niya sa’kin, at kapag kinakausap ko siya, parati siyang pagalit kung sumagot. Natatakot ako sa kanya kaya hindi ko magawang tanungin kung ano’ng problema niya sa’kin.
“Simple lang, Ross. This is my house and if you don’t follow my orders, I’ll kick you out,” malamig na banta ni Alexander.
“Tss,” reklamo ni Ross, saka pabalang na dinampot ang T-shirt na nakasabit sa sandalan ng sofa. Tinapunan pa niya ko ng masamang tingin na para bang kasalanan ko kung bakit siya napagalitan ni Alexander. Pagkatapos ay nag-walk out siya sa’ming lahat.
Hinuli ni Racoon ang atensiyon ko at kung anu-ano ang ginawa niya sa mukha niya para marahil patawanin ako. Hindi naman siya nabigo dahil talagang napangiti ako. Gano’n naman si Racoon. Kapag binabastos ako ng kakambal niya, pinapagaang niya ang loob ko.
Nawala kay Racoon ang atensiyon ko nang maramdaman ko ang pagpalupot ng braso ni Alexander sa baywang ko. Nilingon ko siya, at nakita ko ang munting ngiti sa mga labi niya na madalas niyang itinatago dahil sa posisyon niya sa gang nila.
“Magpahinga ka muna sa kuwarto ko...” Marahang umiling-iling si Alexander bago itinama ang sarili. “Sa kuwarto natin.”
Nawala na ang tampo ko kanina kay Alexander. Nakangiting tumango ako. “Okay.”
BINABASA MO ANG
The Gangster's Baby
Teen FictionI'm not just dating the gangster... I'm carrying his child in my womb. And our fairy tale love story ends here. Welcome to reality, self. Hooray!