May dalawang uri ng pag-ibig
Ang pag-ibig sa maling panahon
At tamang pnahon ngunit maling pag-ibig
Alin ba tayo dun?
Tama bang naging tayo?
O, baka mali na nagkaroon ng tayo?
Napaisip ako...
Tama ba ang mahalin ka?
O mali dahil ako ang gumawa?"Bahala na", yan ang sabi ko
Isinantabi ang mga takot
Para lng makita't makasama kaDumaan ang maraming gabi
Na wala ka saking tabi
Kaya't ika'y aking hinanap
Hinanap at hinanap
Hanggang sa natagpuan kita,
At natagpuan nga kitaSa pagitan ng gabi at umaga,
Ng ngayon at bukas,
Ng tama at mali,
Ng laban at paalam,
Ng mamahalin palang kita at,
Mahal na kita
Nakikipagtalo kay tadhana
Dahil sabi ng puso ito ang tamaNakakapagod, nakakatakot
Nakakapagod sumubok,
Nakakatakot magtagoKaya patawad,
Patawad kung ako'y makasarili
Patawad kung ako ang dahilan,
Dahilan sa pagsikip ng iyong mundo
Ng dati payak mong mundo
Na ngayo'y naging komplikadoPatawad at napagod ako,
Patawad at natakot ako,
Patawad ngunit kailangan kung gawin to,
Patawad at paalam dahil...
Mahal, pinapalaya na kita.
BINABASA MO ANG
My Unspoken Poetry
PoetryThis is entitled as "My Unspoken Poetry". Originally, ang laman nito ay mga spoken poerty na aking nilikha.Ganito po ang title kasi hindi ko pa po talaga nasasabi ito, ito'y bugso ng damdamin ngunit akin lamang sinarili kaya tinawag ko itong MY UNSP...