Sa Pagitan ng Patawad at Paalam

3 0 0
                                    

May dalawang uri ng pag-ibig
Ang pag-ibig sa maling panahon
At tamang pnahon ngunit maling pag-ibig
Alin ba tayo dun?
Tama bang naging tayo?
O, baka mali na nagkaroon ng tayo?
Napaisip ako...
Tama ba ang mahalin ka?
O mali dahil ako ang gumawa?

"Bahala na", yan ang sabi ko
Isinantabi ang mga takot
Para lng makita't makasama ka

Dumaan ang maraming gabi
Na wala ka saking tabi
Kaya't ika'y aking hinanap
Hinanap at hinanap
Hanggang sa natagpuan kita,
At natagpuan nga kita

Sa pagitan ng gabi at umaga,
Ng ngayon at bukas,
Ng tama at mali,
Ng laban at paalam,
Ng mamahalin palang kita at,
Mahal na kita
Nakikipagtalo kay tadhana
Dahil sabi ng puso ito ang tama

Nakakapagod, nakakatakot
Nakakapagod sumubok,
Nakakatakot magtago

Kaya patawad,
Patawad kung ako'y makasarili
Patawad kung ako ang dahilan,
Dahilan sa pagsikip ng iyong mundo
Ng dati payak mong mundo
Na ngayo'y naging komplikado

Patawad at napagod ako,
Patawad at natakot ako,
Patawad ngunit kailangan kung gawin to,
Patawad at paalam dahil...
Mahal, pinapalaya na kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon