Ang Simula

14 1 0
                                    

°•Xion's POV•°

Nakuuuu! Malelate nanaman ako!! Kainis naman kase si manong driver eh! Alam namang may istudyanteng kasabay sa jeep... hay nako! Bahala na nga!

Nagmamadali akong pumunta ng school dahil malelate na talaga ako. 7:28 am na kase eh. 2 minutes nalang magriring na yung bell kaso wala pa ako sa school! Grrrrrrrrr

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ma'am, sorry I'm late!" sabi ko agad ng makapasok ako sa classroom namin.

"Well, Ms. Lim, you're very late! You're six minutes late! Aba, Ms. Lim, iwasan mo ang pagiging tardy dahil grade 10 ka na at mag gagraduate ka na rin." sermon sa akin ni Ma'am Sharon.

"Ma'am, I really am sorry. Sinusubukan ko naman po eh sadyang yung sinakyan ko po kanina ayaw pang umalis. Gusto pang punuin ang upuan." pagdahilan ko sakanya.

"Edi sumakay ka sa ibang sasakyan na hindi kailangang punuin ang jeep. Hindi ba madali iyon?" pagtapos niya.

Napahiya tuloy ko ni Ma'am. Ang ibang studyante ay tumawa, at ang iba naman ay sumang ayon sa sinabi ni Ma'am, which is, doon talaga ako napahiya.

Pumunta nalang ako sa upuan ko na nakapwesto sa pinakalikuran at kasama ko ang mga kaibigan ko doon.

"Grabe na talaga sayo si Ma'am Sharon, Xi." bulong sakin ni Kaira.

(A/N: Guys, ang pronunciation ng Xion is "Shiyon" or "Shiyown". Galing kasi sya sa isang laro ginamit ko muna kase wala na akong maisip na ibang pangalan. Please understand. Back to the story)

"Kaya nga eh. Sumosobra na talaga siya. Kung ako lang talaga ang may-ari ng school na ito, sisisantihin ko yan! Kakagigil!" nanggigigil na sinabi ni Hilary. Inerapan pa niya ang gurong nasa harapan.

Tumahimik nalang ako para di na lalong mainis ang mga kaibigan ko. Nakinig na lang kami sa idinidiscuss ng aming guro habang nag iisip ako ng paraan kung paano ako makakapasok ng maaga bukas dahil ayoko nang mapahiya pa ulit sa buong klase.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ilang oras ang lumipas, recess na namin. Pumunta kami sa usual spot, which is, sa pinakataas ng bleacher sa gymnasium namin. Doon kami tumambay. Kase doon, nakikita namin ang lahat ng paligid sa labas ng school. At mahangin pa, diba! May instant fan na kami! Charaaan.

Habang nandoon kami, nagkukwentuhan, nagtatawanan, at nag aasaran kami.

"Ay nga pala mga Bessies! Nakita niyo na ba yung gwapong lalaki sa section C? Ang gwapo niya kamo sobraaaaa!" chismis ni Julie.

Ngumiti naman ang dalawa kong kaibigan at mukhang sabik na sabik na marinig ito. At ako naman, well, di na ko interesado dyan sa mga ganyan. Ayoko nang umasa at humabol sa lalaking ayaw naman sakin. Nagmumukha akong tanga 'pag ganoon. Enough na sakin ang nangyari sakin dati at ayoko nang ulitin pa yon. Yung feeling na akala mo na destined kayo para sa isa't isa, pero yun pala hinde. Yung feeling na akala mo na kayo na forever. Huh, no forebs mga bes. LAMPOREBER!

Buti nalang wala ako sa pagitan ng tatlo kong kaibigan kundi mabibingi ako nito sa sobrang kilig nila. Kulang nalang umihi sila sa pwesto nila eh.

"Talaga?? Ano pangalan niya???" nakangiting tanong ni Hilary. Yung ngiti niya parang abot hanggang tenga na sa sobrang laki.

"Ay yun ang hindi ko alam." nakasimangot na sabi ni Julie. Sumimangot din naman yung dalawa at ako, syempre, nakangisi. Buti nga sainyo. Hahahaha. Asa pa more mga bes. Di rin naman kayo gusto non. Sabi ko sa isip ko.

Tadhanang Di InaakalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon