ysaysaysa About to go to school! First day of sophomore year :) [instagr.am link]
---------
Lumabas na si Alyssa sa bahay nila, pasakay na ng service.
"Bunso, saglit lang!" sabi ng kuya nya. "O, ano meron?" tanong nya. "Baon mo. Weirdo."
Kinuha ni Alyssa yung hawak na bag ng kuya nya at sumakay ulit ng bus. "Bye kuya! Love you!" Pag-pasok nya ng bus, automatic, lahat ng students nag-hi sa kanya. Hinanap nya si Trixie. Syempre, nasa sulok, nagbabasa ng bagong manga.
Hinablot nya yung isang bud ng earphones nya. "Bastusan?" sabi ni Trixie. Ngumiti si Alyssa. "Uso kase tumingin. Hindi ka ba nahihilo?" tanong nya. Umiling si Trixie. "Give my earphone back. Soundtrip ka den para hindi ka ma-OP," sabi nya.
Kinuha na lang ni Alyssa yung iTouch nya at nag-shuffle sa songs. Syempre, huge Directioner sya. Kaya't isang kanta lang ng 1D, buo na araw nya. "Don't even care about the table breaking, we only wanna have a laugh.."
-----------
Trixie_san here at school..! get ready VU. >w<
Nang parating na sila sa VU, tinabi na nya yung manga nya at hininaan ang music sa phone nya. Hindi nya kase kaya yung ginagawa ni Alyssa na, tinatanggal yung isang bud. Parang imbalanced e.
Nang nakita na nya ang katropa na si Elaine, binati nya to. "Uy, new highlights?" tanong ni Elaine sa kanya. "Yep! Bagong circle lenses na din!" sabi ni Trixie. "Binigyan ko din kaya si Alyssa."
"Ako wala?" sabi naman ni Elaine. "Gaga. Syempre bibigyan kita! Soon." Sabay kindat ni Trixie.
Pumunta sila sa usual meeting place nila sa harapan ng school, sa may bench. Dati, noong magkaaway pa ang limang LMCs at yung grupo dati ni Elaine, naguunahan pa sila dyan. Ngayon, first come, first serve. "Ang dami na namang dala ni Clar!"
"Paki mo ba?" sagot ni Clar kay Alyssa. "I need these para isurrender kay Principal Ray. He asked all the VU student council last year na magdala..whatever this is."
"Kahit kailan talaga nangunguripot yung lalaking yun," biro ni Trixie. "Si Elise?" tanong ni Elaine.
--------
Elise Siao Hay nakooooo. Ang tagal ng bus! :(( Wait, ayan na pala. -_-
Dali daliang umangkas si Elise sa service nya. Nagaalala na sya baka iniwan na sya ng mga kaibigan nya dun. Pero imposible, mga kaibigan nya yun e.
"Hi ate Elise!" sabi ng isang 7th grader. Nginitian nya sya at umupo sa likod nya.
Biglang nagtext si Elaine.
ELAINE ANTONIO: Girl, where u naaa??? Omg, may bagong peeps sa school! They're so pogiiii. :">
Nireply nya, Malapit na day. Weh? Who?
ELAINE ANTONIO: Dunno....i think one of them is RANZ? Grabeeeh, kanina pa nya tinititigan si Lyssa!! Kaingget huhu:(((
Tumawa na lang sya at habang papalakad sa main building, kung nasan ang mga LMCs, bigla syang may nakabangga. "Uy, epal naman o," sabi nya. "E bat hindi ka kasi tumitingin!?" sagot ng nakabangga nya. Tapos nakita nya yung nakabangga nya. "Umm. Hi. Sorry," sabi ng guy. "Hi, I guess."
"Owy nga pala."
"Elise."
--------
"So, kilala nyo na kung sino yung mga new boys?" tanong ni Clar. "Hindi pa e..." sabi ni Trixie.
"Sabi ko nga sa inyo, yung dead stare na dead stare kay Alyssa, is Ranz," sabi ni Elaine. "Oo na, Elaine, oo na!" sabi ni Trixie. "May isa akong nakabangga, isa ata sya sa mga bago e," sabi ni Elise. "Sino!?" tanong nilang lahat.
"Si Owy...Posadas ata yung apilyedo."
"Kakilala ko kapatid nun," sabi ni Alyssa. "Sino yun? Taga dito rin na school?" tanong ni Elise. "Ba't parang excited kang malaman?" sabi ni Clar. "Manahimik ka!" sabi ni Elise.
"Oo. All of them, Ranz, Owy and his brother, Oliver, taga dito. And they're in the same year as us," sabi ni Alyssa. "So kilala mo na si Ranz..." sabi ni Trixie. "Sa pangalan lang. Nakita nyo ni Elaine e, ano magagawa ko?" sagot ni Alyssa.
----------
Hanggang sa magsimula ang klase, bukambibig ng buong second year ang mga bagong lipat na sina Ranz Ongsee, Owy at Oliver Posadas. Pero may tatlo pang natitira. Kaninang 8:30-9:30 (10 ang official class time ng VU Highschool Students) na free period, dumating ang saksak-sa-pusong gwapo na si Clarence Villafuerte, or Cav, for short. Best friend ng Posadas brothers at syempre, ni Ranz. Dumating na rin ang pinsan ni Cav na si Ully Webb, at ang best friend nilang si Biboy Chua.
Lahat ng mga tao, mapa-lalaki, mapa-babae, nganga sa swag nila. Except nga lang ang LMCs.
Nang mag-9:30 bell na, tinignan na lahat ng HS students ang classlist nila. "O san ka, Lyssa?" tanong ni Trixie. "II-Ruby. Kasama ko si Elaine saka.....si..si Ranz," sabi niya. "Ayieeeeee! Yun oh!" sabi ni Trixie. "Gagi. Tignan mo na yung sayo."
"KASAMA MO YUNG CAV VILLAFUERTE OMG!" sabi ng isang sophomore din na isa sa mga tagahanga ng grupo nila Ranz. "II-Citrine. Great."
"Pansin ko, each LMC, may kasama room na taga Chicser," sabi ni Elaine. "Chicser?" tanong nila. "Male version natin...since tayo, yung LITTLE MISS Chicsers, sila naman yung Chicser talaga."
"Ahh." Kasama ni Elise si Owy sa room nila, which was II-Zircon. Kasama naman ni Clar sa room nila si Ully. Tapos si Oliver nasa Ruby din. "E yung Biboy, saang room yun?" tanong ni Trixie. "Ka-room ni Ae. Kaso absent sya eh. Hayyyy! Masyado ng nagbabakasyon si Ae," sabi ni Elise.
"LET' THE FIRST DAY OF SCHOOL BEGIN!" sabi ng principal sa PA speakers.
--------
HI GUISE :)) Sorry hindi ako nakakapag-update!!!! hahaha. :)
*FYI: Hindi po talaga magpinsan si Cav at si Ully. Alam naman natin yun lahat hindi ba? =))
Also, napakatanga kong tao kase as i was writing this nakalimutan ko yung character ni Ae. :(((( Nung huling part lang ng chapter ko sya naalala hahahaa =)) Pero at least naalala diba? XD Kaya ko sya ginawang absent sa first day at masyadong nagbakasyon sa PARIS. Oha?
Thankyou nga pala sa mga nagbasa. :> =))
