ang totoo wala talaga kaming planong gawin ang isang bagay na alam naman naming magdudulot lamang sa amin ng matinding sakit ng katawan..(this includes sakit sa paa, binti, kasukasuan and hindi agad makaramdam ng pagtulog)..pero ang nakakatuwa nagawa namin gawin iyon sa pagitan ng araw. thursday and friday…
Ang totoong plano, hanggang mcdo noveleta lang ang dadalihin namin..pero bago iyun, kailangang naming mag-ipon ng matinding enerhiya, kaya nagpagas muna kami sa palengke ng cavite city. sabay pasok sa loob at kumain sa isang cafeteria.. ng makapagpagas na ayun at tumuloy kami sa aking butihin at pacute na kapatid..doon muli kaming nagpagas at yun pala ay dahil sa misyon namin..
Bago pa mag 6:30 ng gabi..umalis na kami sa bahay ng aking kapatid (ayaw ko kasing maabutan ng aking matinding kaaway..baka maghalo ang balat sa tinalupan)
Lakad, lakad magmula 744 tagumpay St. san Antonio, cavite city hanggang sa may coastal bay, natuklasan namin na sa tabi ng padis point ay isang hacienda joke lang isang place for or should i say venue for party at kung anu-anu pang kacherferan at ang may- ari ay si Dino Chua(talunang kandidato sa pagkavice mayor sa lungsod ng cavite)) doon namin piniling lumakad dahil gusto namin umiwas sa mga sasakyan..at isa pa enjoy talaga doon tahimik peaceful at masarap pagmasdan ang mga sasakyan..at magjogging..
at salamat noveleta na..at ito na..heto na heto na ang tindahan sa may noveleta..bumili kami ng mineral, sprite at isa pang mineral na konti lang ang itinangkad sa una kong binili..
on the way na ulit kami..at ito na totoo na ito mcdo noveleta na..at doon muli kaming nagpagas..kumain ng “pacheeseburger ka naman” at iyon lang lakad kami ulit
nilakbay namin ang baybayin ng noveleta ng kawit, nagtungo ng bahay ni Aguinaldo at nagjogging papuntang binakayan..ang pinakamasaklap nga lang ay
SARADO NA ANG VIDEO CITY..balak ko sanang isauli ang bala ng zodiac na sobra ko ng kinaadikan…
depression..isa malamang sa mga dahilan kung bakit kami naglakad..nagpagas kami ulit..iba iba..cobra, at yung gatorade at yung isa hindi ko na alam. at ayun lakad na kami hanggang imus..
nilakad talaga namin…nandoong sundan kami ng isang kuting, makakita ng weird, scary creepy na bahay…at take note kinunan pa…hanggang narating namin ang park ng imus..kumuha kami ng ebidensiya, picture, video at kung anu-ano pa..ang saya hindi isang kahunghangan ang ginawa namin…nilakad namin hanggang aguinaldo highway at doon nagpaalam sa paglalakad..
(may napansin lang kami, kaming tatlo pare-parehas ng birth month at si carlo “the billboard man” ay ang kabirhtday ko…, at bilog ang buwan ng araw na iyon,)ito ba ang epekto ng pagkaabno