MALAYA KANA AKING MAHAL

86 2 0
                                    

Kailan mo ba ako mamahalin?
Kailan mo ba ako papansinin?
Kung kailan ayoko na?
Kung kailan ako'y may iba na?

Habang tumatagal ako'y sumusuko na
Dahil di na alam kung kakayanin pa ng puso
Ang sakit na nararamdaman
Nitong puso kong walang ibang alam kung hindi  mahalin ka ng lubusan

Alam kong mali na
Na dapat itigil ko na
Ang aking kahibangan
Ang aking katangahan

Kaya sa oras nato ika'y malaya na
Hinahayaan na kitang magmahal ng iba
Pero lagi mong tatandaan
Nandito lg ako bilang kaibigan

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now