(3) Something

2.1K 40 1
                                    

Someone's POV

"Sigurado mo bang patay na sya?" Kalmado kong tanong dito sa kasuap ko pfft. Walang kwenta..

"sigurado po .."buong galak nyang sabi na punong puno ng  pagmamalaki...  

"sinigurado mo bang hindi na humihinga?"

"siguradong sigurado po .....Ako ang pinakamagaling sa larangan ng paggamit ng kutsilyo alam kong sa puso iyon nakatarak ..... Ngayon po hindi naman sa pagmamadali pero po maaari ko pong malaman kung ano ang makukuha ko ......Ano po ba pagtaas ng posisy--......"kwento nya tsk.Sa lahat ng ayaw ko ay yung mga taong sipsip at madaldal  ...Kaya agad agad kong kinuha ang kutsilyo kong libo libo na ang kinitil na buhay at itinapon yun sa mismong ulo niya ....

hahaha Ambango talaga ng amoy ng dugo....

"masyado kang maingay " sabi ko habang dahan dahang naglalakad papunta sakanya na ngayon ay nakaluhod na pero buhay pa pftt.Mamamatay ka rin ...

"isa pang tanong...." sabi ko at dahan dahang lumuhod sa harapan nya para magkalebel na kami ,atsaka ko iniangat ang ulo niya

"sinigurado mo bang........ Nasa impyerno na sya?? tanong ko ng nakangiti ,at kahit na hirap na hirap na sya ay nakasagot parin ang gago

"h-hi-hindi po.."sagot ng gago

"ganun ba ?" yun lang at tumayo na ako pero the show must go on ,agad kong binunot ang baril ko at pinaputukan sya kung saan nakatarak ang kutsilyo ko ...At doon na sya tuluyang.....Namatay

"edi siguruhin mo ,hanapin mo sya sa impyerno at pagkatapos nun ay......maaari ka ng bumalik ..Pfft. Kung magagawa mo"yun lang at lumabas na ako ng kwartong iyon

" linisin nyo ang kwarto na yan ..Ayaw kong pagbalik ko ay may basura parin riyan ,naiintindihan nyo ba?" tanong ko sa mga alalay ko na syempre lalaki ..."Opo ma'am"
At saka na nga ako umalis

naglalakad lakad ako ng biglang may makapa ako sa bulsa ko ...Ang litrato ni Trina

"napaka inosente mo Trina ..ni hindi mo alam na kakaiba ka  ...Ni hindi mo alam na maraming gustong pumatay sayo...At ni hindi mo alam na maraming mamamatay ng dahil sayo ...Kaya bago mangyari yun ako na mismo ang papatay sayo ......"Atsaka ngumiti at linukot ang litrato niya

Trina's POV

ohmayghad ....Paano ko sasabihin kila mama na ohmayghad na......Wahhh paano??

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko... well parang I can't  say kung kwarto ba ito o kweba .. kasi banaman pintuan ko linock ko bintana nakalock rin walang pumapasok na ilaw sa kwarto ko dahil sa kurtina ,hindi rin ako nagpapa ilaw kaya parang kweba na ang kwarto ko hihi....Nakaharap ako sa salamin pinagaaralan kung papaano isasabi kila mama at papa ito   ...Lalo na kay KUYAA wahhh itatakwil nila ako wahhh..

*Imagination*
"Mama,Papa,kuya huhu *sobs* sorry hindi ko alam ...pero pinaalis ako sa Royale University ...Huhu please wag kayong magalit may explanation naman sila kung bakit nila ako pinaalis .....Sabi nila my grades are excellent tapos ..Tapos di na nila kinakaya katalinuhan ko kaya gusto nila sa Luna Academy nalang ako mag aaral kasi mga pang matatalino daw yun...Wahhh sorry na po...Kung masyado akong matalino"Sabi ko while crying

" awww anak wag ka nang umiyak ,di kami galit infact we are so happy na napakatalino ng anak namin ...Sige na bibili tayo ng gagamitin mo" sabi ni mama saka ngumiti

"tama nanay mo anak ...Mahal ka namin" saad ni tatay

"kaya nga princess, hindi naman galit si kuya infact i'm so happy na napakatalino at napakaganda ng  kapatid ko ohmayghad idol na kita ...."sabi naman ni kuya

*end of imagination*

"tama ,Tama hindi sila magagalit kasi may nakalagay naman doon na excellent ...Kaya mo yan trina.." pagpapalakas ko sa loob ko tsaka bumaba at hinanap sila mama ..At sakto naman na andun silang lahat sa sala kasama si luna ,kanina pa kasi nila nakita si luna

"ahmmm. Ma , Pa ,Kuya umm..WAHHHH SORRY PO DI KO SINASADYA ...NATANGGAL PO AKO SA ROYALE UNIVERITY WAHHHH SORRY PO TALAGA... huhuu" pagsigaw at pagmamakaawa kk pero sila namang itong tumatawa na ..

"HAHAHAHA "
"hahahaha"

Tawa nila ..Ha ? diba dapat nagagalit sila?

"di po kayo galit?"

"hindi anak.May nakapagsabi na samin ng nangyari at mag aaral ka na pala sa Luna Academy "sabi ni papa

"opo pa"

"basta anak ,mag iingat ka roon  naiintindihan mo ba ?alam kong kaya mo pero di ko mapigilan na mag alala" sabi ni mama kasabay ng paghaplos nya sa buhok ko ...At umiiyak ba sila??

" teka ,teka ..Bakit kayo umiiyak?"tanong ko

" hindi mo maiintindihan kung kami ang magsasabi, mas maiintindihan mo iyan sa academy ..Sige na anak matulog ka na ..At bukas ay sa Luna academy ka na mag aaral"yun lang at pinilit na nila akong matulog. tumaas na ako sa kwarto ko pero di maalis sa isipan ko...

bakit sila umiiyak?

at pagkatapos ng tanong na iyon ay natulog na talaga ako.....


Luna AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon