Grabe na ang tulo ng luha ko. Nakakaiyak talaga. Bwisit yung writer nito. Bakit kailangan masaktan si Yoo Si Jin at Kang Mo Yeon? Di ako makahinga sa intense kidnapping scenes nila! Ang gwapo pa ni Song Joong Ki.
Ako kaya, pagnalagay kaya sa alanganin ang buhay ko, is there someone willing to rescue me even it means it will cost his life?
God! Ilang beses ko bang dinedaydream na sana may lalaking darating na magtatanggol at magpoproktekta sa akin. Pero pakingteyp, feeling ko, tatandang dalaga ako nito.
Minsan sinisisi ko ang mga korean dramas na napapanood ko eh! Ayan tuloy, i have high expectations for men.
Pero wag kayo, di ko naman sinasabi na gusto ko gwapo at mayaman. Ang gusto ko lang eh makahanap ng lalaking simple, mabait at handa akong protektahan kahit di sa literal na physical pain, kumbaga someone who can protect me from things that can hurt me, syempre dapat mataas ang respeto para sa mga babae kahit na di kagwapuhan at mayaman basta di rin naman kapangitan at forever poor na walang balak sa buhay. In exact words, yung napapasyal ko sa mall at kayang buhayin ang bubuuin naming pamilya.
At take note ulit! Advance akong mag-isip! Ayoko lang pumasok ng relasyon if di naman ako sigurado kung siya na nga ba ang THE ONE ko! Exclamation point para intense!!!!
Pinagpatuloy ko na lang ang panonood ko ng korean drama. Nakakuha kasi ako ng 1 week vacation sa trabaho at nilaan ko ang 1st day of temporary freedom ko sa panonood ko ng kdrama at pagsilay sa mga kinababaliwan kong mga 'oppa' ko. Sila muna ang boyfriends ko habang hinihintay ko pa ang 'THE ONE' ko.
'Saan ka na ba? Natraffic ka lang ba? Sumabit ka lang ba sa jeep? O byaheng teenager ka pa lang? Pakibilisan mo naman, 26 na ako. Baka dumating ka lang pag 62 na ako. Dumating ka na, please.'
Papunta ako ngayon sa isang beach resort. Yup! Alam ko iniisip nyo. Oo na! Forever alone ako nito. Wag nyo nang ipamukha sa akin. Kasi naman. Ang saya pa nung dalawang bruha kong kaibigan nung pinaplano namin tong trip na to. Pero langya muntikang drawing nalang kung di ako tumuloy. Humingi pa ako ng bakasyon tapos nang-iwan sa ere ang mga bruha. Pag-uwi ko, sasabunutan ko talaga yung dalawang yun at pagkukumpulin. Sayang naman kasi yung reservation namin pag di ako tumuloy. Pinush ko na para makapagrelax naman ako.
Make the most of it while we're at it, sabi ko pa sa sarili ko. Maghuhunting nalang siguro ako ng possible oppa pagdating ko sa resort at baka makahanap ako doon. Malay natin baka may matisod ako dun.
Kasalukuyan pa po akong nasa bus. Malayo layo kasi ang destinasyon ko. At dahil poor ako at walang car, kaya kailangan magcommute. Kaya ito ako ngayon, nakaupo sa bus habang ineenjoy ang dinadaanan namin. Di naman problema ang papunta sa resort dahil marami namang pabyahe papunta doon na tricycle o habal habal. At ako yung taong, game sa lahat. Walang kyeme.
Napagdesisyunan ko munang umidlip habang nagbabyahe. I still have 2 hours before we arrive at my destination. Habang natutulog ako, i keep my senses alert in case may balak magpickpocket, magnakaw o anupaman. Wag na kayong magtanong kung paano because i used to doing it. Dahil i am trained to perfect it. Parte na ng trabaho ko.
Maya maya huminto ang bus at naramdaman kong marami ang sumakay doon. Nakiramdam lang ako hanggang may tumabi sa akin. Tumagilid ako kunti paharap sa bintana ng bus habang yakap yakap ko ang backpack ko.
My instinct tells me na something is wrong kaya dumilat ako at pasimpleng nagmasid. May nakita akong tatlong lalaking kahina hinala. Punuan na kasi ang bus. Parang may grupo ata na sumakay sa last stop. I heard from their conversation that they are going on team building at parang nasira yung van na sinasakyan nila at no choice but to take the bus para makahabol sa schedule.
BINABASA MO ANG
Roller coaster
General FictionAng buhay ay parang roller coaster. Sa simula smooth sailing lang pero habang tumatagal lalong mas bumibilis at nagiging komplikado na! Ako nga pala si Annica Rannia Reyes.samahan nyo ako sa malaroller coaster kong buhay!