Beach

7 1 0
                                    

Lumingon ako.

"Anya? Ikaw nga!" sabi ng lalaking papalapit sa akin . Kumunot ang noo ko. Pamilyar sa akin ang mukha niya.

"Jason?" Nagliwanag ang mukha niya.
"Oo. Ako nga! Kamusta ka na?" inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Ok lang naman." Tinanggap ko ang kamay niya. "Ikaw? Kamusta na?" Tanong ko pagkatapos ng handshake namin.

"Ok lang din. Sinong kasama mo? Jowa mo?"

" Hindi noh. Mag-isa lang ako. Inindian ako ng mga kaibigan ko. Ikaw ba? Ano? Nagladlad ka na ba? Alam na nila Auntie at Uncle ang tungkol sayo?"

"Hmp! Hindi pa noh! Ang hirap magpanggap."

Natawa ako sa kanya.

"Sabihin mo na kasi sa kanila para di ka na mahirapan. Nagbabakasyon ka rin?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. May team building kami ngayon. Dinala kami ng boss namin dito. Every year to." Sabi niya sa akin.

"Kita tayo mamaya ha? Magsisimula na kami.. Hanggang tanghalian lang ang activities namin tapos free hours na namin. Kung wala kang kasama, sama ka na lang sa akin. Marami rin akong itatanong sayo tungkol sa probinsya natin."

"Sige ba! So,see you later? Kakalat kalat muna ako dito." Ngumiti ako sa kanya at humakbang paatras habang kumakaway sa kanya.

Buti na lang talaga may nakita akong kakilala. Feel ko di ako mag-eenjoy sa pagbabakasyon na ito ng mag-isa.

Naglakad lakad pa ako hanggang makarating ako sa duyan sa ilalim ng punong niyog. Tiningnan ko muna kung may bunga ang niyog at ng makita kong puro pa buko eh umupo na ako sa duyan.

Nilabas ko ang earphones ko at nakinig ng music galing sa cellphone ko habang tumatanaw sa payapang dagat.

Namimiss ko na ang probinsiya. Ganito lang kasi ang ginagawa ko pagnasa bahay ako at tapos na ang gawaing bahay. Magduduyan at makikinig ng music at magbabasa ng libro o wattpad.

Dahil nga relaxation ang pinunta ko dito, di ko na namalayan na nakaidlip na pala ako.

"Miss?" feeling ko may yumuyugyog sa akin. "Miss? Gising!"

"Hmmm?"

"Hey! Wake up already! Miss? Miss? Baka may magsamantala sayo dito!" Matigas na sabi ng lalaking nagsasalita. Dumilat ako.

"Holy mother of Pluto! Si kuyang gwapo!"

"Miss? Gising ka na ba?" ulit niya.

"Ha?" natauhan naman ako. "Oo. Bakit?"

"Nakita kasi kitang natutulog. Baka mapaano ka dito. Di pa naman maraming tao dito."

"Ha?" pakingteyp! Laging 'ha' nalang ba ako nito? " Ah! Salamat! Ok lang ako dito." sabi ko sa kanya at ngumiti showing my dimples.

"Sige."

At umalis na si kuyang gwapo.

Plano ko sanang maligo kaso lang ipagpaliban ko muna. Tutal kasama ko si Jason mamaya, tsaka na ako maliligo't magtatampisaw sa dagat.

Nilabas ko nalang ang phone ko at nagselfie at nag-upload sa fb ko na minsan ko lang nabibisita. Pagkatapos kung tumambay sa fb ay naghanap ako ng pwedeng panoorin na series. Nasa mood akong manood ng mystery thriller kaya 'The tunnel' (korean drama) ang panonoorin ko.

Sa kakapanood ko sa series, di ko namalayan na tanghali na pala kung di pa nag-alburoto ang tiyan ko. Pinalitan ko muna ng music ang pinapanood ko at nakikinig through earphones habang pabalik sa resort.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Roller coasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon