Mula sa Isang Simpleng Taga-hanga

11 0 0
                                    


Mula sa Isang Simpleng Taga-hanga

By: ririRioxx


I.
Mayroon akong mga taong nakilala.
Hindi lang dalawa, dahil pito sila.
Pitong tao na pumukaw ng aking atensyon.
Pitong tao na kilala ng karamihan ngayon.
Pitong tao na hindi ko akalaing hahangaan ko pala.
Hahangaan ko pala, dahil sa tingin ko, sila ay kakaiba.

II.
Sa palagay ko, alam niyo na kung sino-sino ang tinutukoy ko.
Sa palagay ko, alam niyo na rin na sila ay nasa iisang grupo.
Sa palagay ko, karamihan sa inyo ay hindi rin mapalagay sa tuwing nakikita sila,
Hindi rin malaman kung ano ang gagawin dahil sa sobrang saya.
Sa palagay ko, iniidolo ko na sila.
Ay! Mali pala, dahil iniidolo ko na nga talaga sila.

III.
Alam ko na sa sitwasyon naming walo, malabo ko silang makatagpo.
Dahil para silang langit at heto lang ako.
Dahil para silang mga bituin,
Mga bituin na walang tigil sa pagningning.
Para silang bituin na kahit ang lapit lang sa paningin,
Alam kong mahirap abutin.

IV.
B.T.S, tatlong letra pero napakahalaga.
Napakahalaga para sa mga taga-hanga nila.
Tatlong letra na bumubuo sa pangalan ng kanilang grupo,
Grupo na minamahal at tinatangkilik ng maraming tao,
Grupo ng pitong kalalakihan na gumagawa ng sarili nilang kasaysayan.
Grupo, na pinapangako kong aking susuportahan magpakailanman.

V.
Oo nga't sa tv, sa larawan, at sa cellphone ko lang sila nakikita.
Oo nga't hindi nila ako kilala at hindi nila alam na may isang ako pala na sumusuporta at humahanga sa kanila.
Pero hindi iyon magiging dahilan upang sila'y aking talikuran.
Hindi dahilan iyon upang sila'y aking kalimutan.
Oo, fangirl lang nila ako,
Fangirl na handang damayan at suportahan ang kanyang mga iniidolo hanggang dulo.

VI.
Oo, taga- hanga nila ako.
Taga-hanga nila ako, pero hindi na ako umaasa na sila'y akin pang makakatagpo.
Hindi ko na hinahangad na makita ko pa sila ng totohanan.
Sapat na sa akin yung makita silang masaya kahit na sa larawan man lamang.
Basta't nandito lang ako para sa kanila at sila'y aking susuportahan.
Dahil pinanghahawakan ko ang "ARMY & BTS, family forever, walang iwanan, pangako iyan."

••• The End •••














Sana po nagustuhan ninyo ^_^
-Author

Mula sa Isang Simpleng Taga-HangaWhere stories live. Discover now