Sky's POV
WHAT?!
6pm na? ibig sabihin nakatulog talaga ako ng mag-damag dito sa Clinic?
Kung maka react naman ako, akala mo first time kong nagawa 'to? Suki nga pala ako ng Clinic dito, hindi dahil sa sakitin ako kundi dahil antukin ako
Lumabas agad ako ng Clinic wala ng katao-tao shocks. Umalis na rin ako nagla-lakad na ako ngayon papunta sa sakayan ng Jeep may sipsip akong lollipop and naka earpods
Bigla akong nakaramdam ng kakaibiha habang naglalakad, feeling ko may nakasunod sa akin
Agad akong tumigil at lumingon sa likuran ko
Wala naman? or baka guni-guni ko lang? pero hindi talaga eh, masyadong malakas pakiramdam ko and mabilis ako ma-paranoid
Pagdating ko ng sakayan ng Jeep feeling ko talaga may nakatingin sa kin. Nilingon-lingon ko na rin yung paligid ko pero wala talaga eh
Buti na lang at may huminto ng Jeep sa harapan ko kaya nakasakay agad ako pero hindi pa rin mawala sa pakiramdam ko yung consious ko dahil sa feeling ko may nakasunod ng tingin sa akin kanina
Pagka-uwi ko sa apartment ko nag-bihis agad ako, may duty ako and I'm working sa isang Club, waitress lang ako, hindi ako nagpapa-table. Inoofferan din naman ako pero ayoko talaga at baka makasapak lang ako ng customer sa Club
Pag-dating ko sa Club nagsimula na agad ako 7pm to 3am kasi ang working hours ko
Serve lang ako nag serve sa mga customers paulit-ulit lang naman ginagawa ko, nakakapagod nga lang. Ganito lang naman ang naging buhay ko mula nung nag-solo ako nag-kusa akong iwan yung Daddy kong may bago ng pamilya since nawala si Mommy, feeling ko kasi magiging pang-gulo na lang ako sa bago niyang pamilya kaya kahit masakit sa akin na iwan si Daddy eh nag-kusa na ako.
And now, I am living independently. Mag-isa na akong nagta-taguyod sa sarili ko, wala na rin akong motivation sa buhay kaya hinahayaan ko na lang masira lahat, yung paga-aral ko, career, dinideretso ko lang yung buhay na tinatahak ko even though I really don't know where life takes me. At least I tried, kahit sa huli
"Paki serve sa table 5" agad kong kinuha at dinala sa table 5 yung liquir na inorder nila
Teka?!?!?!
S-siya? bat sya nandito?
Fvck. Bakit nandito siya???
Hindi nya ako pwede makilala, masama ang ugali niya and for sure gagamitin niya pa 'to pang blackmail sa akin.
"Thanks sir." pagkapatong ko sa table nila, agad akong umakmang aalis
"Excuse me?" napahinto ako
"Ah...Y-yes sir?" nakatalikod pa rin ako
"I think I know you. Can you come closer here." ayan na nga ba ang sinasabi ko
Wala akong nagawa kaya dahan dahan akong lumingon sa kanila at lumapit. Mahirap na baka i-reklamo pa ako neto sa Boss ko, alam kong sa asta ng lalaki na 'to handa niyang gawin lahat makabawi lang sa akin. Tyaka eto na lang ang pinagku-kuhaan ko ng pera kaya hindi to pwedeng mawala sa akin marami na rin kasing napalayas na Waitress dito dahil sa hindi pinapansin ang customer
Tinatago ko ng buhok yung mukha ko para kahit papaano hindi niya ako ma-mukhaan diba, buti na lang at medyo madilim dito
Pero nakikita ko pa rin yung pasa nya sa mukha yung sinapak ko lang kanina, bwisit sino ba kasi ang nagdala sa mokong na yan dito? napakarami namang Club sa area namin, dito pa talaga?
BINABASA MO ANG
I NEVER EXPECTED TO FALL FOR YOU
RomancePano? Pano nga ba masasabing mahal mo na yung tao? Paano mo mararamdamang sa kanya ka na pala talaga masaya? Pano mo malalamang kayo na pala talaga? Paano? A/N: Story Description is temporary.