Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely conincidental.
Do not distribute, transmit, publish or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way
My Point of View | by frnndzkaith | 2014
---
Alam ko, madami pang iba jan, mas matino, mas gwapo, mas matalino, mas mabait. Pero kahit ilang MAS pa yan, hindi naman sila ikaw eh. Hindi naman sila yung taong mahal ko.
Oo, masyado ng cliché na mainlove ka sa kaibigan mo. I know that sooner or later, mafre-friendzone din ako. But I am brave enough to take the risk. At least sa dulo, hindi ako magsisisi na hindi ko inamin sayo. Nagbabakasakali ako na mahal mo din ako kahit katiting lang, na baka ma-upgrade tong relationship natin, from friends to girlfriend and boyfriend.
Sabihan man nila akong assuming pero wala akong pake. Ganun naman talaga eh, you will set aside those hurtful words and you will be strong to face them.
Ikaw kasi eh. Sweet, gentleman, caring, maeffort, mabait, gwapo, lahat na. Madami ngang tao na napagkakamalan na tayo. Sana nga. Buti pa ang iba nahahalata nila, pero ikaw, hindi.
Lahat nagbago simula nang umamin ako na mahal kita pero sabi mo may gf ka at pinakilala mo siya. Sobrang sakit, alam mo yun? Malamang hindi, manhid ka eh. Tuwang tuwa ka noon, siyempre isa akong supportive na kaibigan kaya nasabi kong masaya ako para sa inyo. Ha ha ha. Ni hindi ko man lang alam na may nililigawan ka na pala. Sabagay, di ka naman masyadong nagoopen sakin.
Sinubukan kong lumayo, dumistansya at nagbakasakali na maka move on ako, na makalimutan kita. Pero hindi eh, nilamon lahat ng pag-ibig yon, ng eagerness ko na makausap at mayakap ka ulit. If I could only bring back the time, siguro napigilan ko pa itong nararamdaman ko. Sinubukan kong maghanap ng iba at magkacrush sa iba but my heart says it's you forever and always. Oo bata pa tayo, madami pa tayong makikilalang iba jan pero wala eh.
Alam mo ba, isang araw, tuwang-tuwa ako noong malaman ko na nagbreak na kayo. Pero may part pa din na nasasaktan ako dahil grabe ang iyak mo sakin noon. Sabi mo sa akin, mahal na mahal mo siya na hindi mo siya kayang mawala. Putik na malagkit, nagkabalikan ulit kayo agad agad! Hayy. Isang beses nga, kinanta ko pa yung "Kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling luluha pa"
Inggit na inggit ako sa gf mo kasi lahat ng ginagawa mo sa akin noon, noong ayos pa ang lahat, ginagawa mo din sakanya ngunit "mas" pa. Kung saakin, buhat ng bag ka lang, siya hatid sundo pa. Ayy oo nga pala, kaibigan LANG ako, siya girlfriend. Saklap men!
Parang dati lang, ako nagpupunas ng pawis mo, nagbibigay ng tubig mo, at grabe kung makacheer sa'yo. Mas masaya pa ako sa inyo, sa team mo, kung mananalo kayo tapos icocomfort naman kita pag talo kayo sabay yakap. Pero lahat ng yan, siya na ang gumagawa.
Naaala mo lang naman ako pag may problema ka eh, pag nag-aaway kayo. Kilala mo lang naman ako pag wala kang balikat na masasandalan, unan na mayayakap, at panyong pagpupunasan ng luha at sipon mo. Masakit maging option. Parang dati lang, ako ang first option mo, first priority mo, first sa lahat, noong hindi pa siya dumadating.
Lagi akong nanjan para sa'yo. Para suportahan ka. Para pasayahin at patawanin ka kung problemado ka. I was there when no one else was.
Isang araw, tumawag ako sa iyo para sabihin na kinabukasan na ang laban ko para sa sports na aking sasalihan. Sinabi mo na pupunta ka at susuportahan ako kahit magkaiba tayo ng school. Sinabi ko na wag na, pero nagpumilit ka. Wow for the first time! Tuwang tuwa ako that time.
Ngunit kinabukasan, hindi ka man lang nagpunta, kahit sana hindi mo ako napanuod pero nagpunta ka, ayos lang. Kaso hindi eh, ni walang bakas mo ang nakita ko. Nag expect ako na dadating ka kahit late man lang. Pero pusang minohawk! WALA!
Sobrang sakit ng loob ko. Tawag ka ng tawag pero di ko sinasagot dahil sobrang sakit. Ayoko na. Suko na ako. Hindi ko na kaya. Punong puno na ng sakit itong puso ko na ikaw ang nagdulot.
Siguro ipahinga ko muna tong puso ko. This time, ako naman. Sarili ko naman ang mamahalin ko. Bakit ganoon, binigay ko na lahat pero kulang pa rin, hindi pa rin sapat.
Kinabukasan, nagulat ako dahil nakita kita sa school. Sorry ka ng sorry sa akin. Na kesyo busy ka, may ginawa ka. Ganyan naman eh, lagi. Lagi kang may palusot, lagi kang may dahilan. Dati nagpakatanga ako at naniniwala subalit dati yon. Iba na ngayon, everything has changed. You know, I can finally say, "I'm used to it"
Hindi ko na kaya hanggang sa sumabog na ako.
"Tama na yang sorry mo. Sorry ka ng sorry, paulit ulit mo namang ginagawa. Ayoko na. Suko na ako. You've caused me so much pain to the point that I can't handle it anymore. Kalimutan na natin ang isa't isa. Simula ngayon, wala ka ng kakilalang Zia Claveria at wala na akong kakilalang Lance Guillermo. Mahal kita higit pa sa alam mo. Sinayang mo ako Lance. Kahit matagpuan mo man ang pinaka perfect na babae sa mundo, wala kang mahahanap na sweet, makulit, maalaga, matyaga, masayahin at malakas na babae sa buong buhay mo. In short, wala ka ng mahahanap na Zia sa mundo. Let's just forget each other. Let's just forget everything that we had, what we did in the past. Ayokong maging parte ng alaala ko ang mga iyon because those are my nightmares. Thank you for everything. Thank you sa pagsheshare mo ng oras mo sa akin kahit sa saglit na panahon lang. Thank you because you made me smile and you made my life from dull to colorful. Sorry sa lahat ng naidulot ko, sa lahat ng sakit sa ulo. Sorry ha."
Pinunasan ko ang mga luha na kanina pa pala tumtulo na hindi ko man lang namamalayan. "This is the last time that I will say this .... I love you Lance"
- THE END -
A/N: Hi guys. I tried to make a story for those girls who are always the second option. Medyo hugot. Haha. I hope na nagustuhan nyo po. God bless! xoxo