5 D'Girls

1.1K 34 6
                                    

 

Krinnnnnnnnnnnnnnnnggg!!! (tunog ng bell kapag may papasok at lalabas ng store)

Biglang umihip ang hangin habang slowmong naglalakad papasok ng store ang limang nakakairitang babae este mapuputi, ang s-sexy at magagandang babae. Lahat naka heels at parang modelong rumarampa sa stage.

“Na naman. Hindi ba nila ako titigilan?!” sabay kamot sa ulo ko.

“Wow! ehem.. Good morning sexy ladies” Tuwang-tuwa na bati ni Chito habang nagmamadaling lumapit sa Limang babae.

Dala ko ang isang kumpol ng libro at inilapag sa tabi ng shelf.

“Eeeeeeeeeeeeeeeee! Hommmmmeeerr!” tili ng lima.

Ewan ko pero imbis kasi na magandahan ako sa limang to, e  mas naiinis at naiirita ako dahil sa mga kinikilos nila. Wala na ba silang magawa sa buhay nila.

Yung unang una kasi na ayaw ko sa isang babae ay yung naghahabol sa lalaki. Ayoko rin ng masyadong makulit at hindi nakikinig pag pinagsasabihan. Ayoko ko rin ng madaldal at maiingay lalo na pag wala sa lugar . At ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung iniisturbo ako lalo na sa oras ng trabaho ko.

“Eeeeeeeeeee! Sino siyaAAAA!”  tili na naman ng mga mangkukulam este ng limang babae habang masama na naka titig sa kinaroroonan ni Tala.

“Girls girls girls! Chill lang kayo” singit agad ni Chito sa gitna ni Tala at ng limang babae.

“Hi! ako nga pala si Tala. Kayo anong mga pangalan ninyo?” nakangisi nitong pakilala sa lima.

“EEEE!!  Excuse me! you don’t know us!”

At agad na pumunta sa kani kanilang pwesto at tumigil sa posisyon ng limang segundo tapos...

“Where the………… D’Girls” iba’t ibang pose ng limang segundo.

Para silang nasa photo shoot ng isang malaswang magazine. Tapos isa-isa ko silang itatali sa puno tapos susunugin. Sunugin ang mga mangkukulam….! Hehehe.. teka? ano ba tong pinagiiisip ko, nababaliw na ata ako tulad ni Tala.

 

“I’m Donna.. I’m Desseri.. I’m Danica.. I’m Dulce” pakilala ng apat tapos lumabas sa gitna ang leader ng grupo. “And I’m Dina. And again, we are the…. D’Girls” sabay pose ulit.Tapos ay sunugin hahahaha… hahaha.. tama na.

Got Hit by a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon