My Unread Love Letter

64 2 0
                                    

Dear Morry , Hi Ako nga pala si Zacky hindi ko alam kung kilala mo ko or what kasi isa lang naman akong walang kwentang friend mo sa facebook . Pero bawat post mo , walang kwentang joke , walang kwentang picture , picture ng ex mo , post mo para sakania , timeline photo mo at profile picture lahat yun ni-like ko .. :)

At naalala mo ba ung post mo para sa ex mo ? ( na super nag-effort akong intindihin dahil english ) Na kahit pinag-tutulakan ka nia palayo sakania nandyan kpa rin for her .. ? Na kahit sugatan ka na babangon ka pa rin para lumaban kahit alam mong TALUNAN ka na .. ?

Napaka swerte niang babae Morry ..

Nakakainggit ..

Minahal mo siya ng ganon katindi ..

Pero lahat ng iyon binalewala nia ..

Hindi ko tuloy alam kung maiingit ako dahil minahal mo siya o matatawa dahil sa katangahan niya.?

Pero nangingibabaw sa akin ang inggit.

Dahil siya maganda , matalino , may pinag-aralan ,mayaman kagaya mo o may mas malalim pang dahilan kaya mo siya minahal.

Samantalang ako , hindi na nga kagandahan , may pagka ENGOT pa at isa lang akong hamak na katulong lang . Paano mo nga naman mapapansin ang tulad ko . ?

Kaya hanggang abang nalang sa mga post ang kaya kong gawin para kahit doon man lang masubaybayan ko kung anong nangyayari sa'yo .

Yes , isa ako sa mga stalker mo pero hanggang fb ko lang nagagawa yon dahil wala akong pera para sundan-sundan ka at kumain sa mga mamahaling resto na kinakainan mo at wala rin akong sariling kotse para sundan ang mamahaling porsche mo.

Kuntento na ako sa patitig ng profile picture mo ng isang oras sa isang araw o kaya bago matulog ini-imagine muna kita baka kasi sakaling mapanaginipan man lang kita .

Napakasarap mag imagine lalo na kapag ang eksena sa isip ko ay magkasama tayo at nagmamahalan . Walang ex na sumisingit , walang  langit at lupa problems . Mahal kita at mahal mo rin ako at masaya tayo sa isa't isa ..

Napakadaling makasama ka ..

Yun nga lang hanggang sa isip ko lang nangyayari yon dahil malinaw pa sa sikat ng araw na imposible lahat ang nangyayari sa isip ko.

Pero ok lang sakin yon .. Kuntento na ko na hanggang pangarap ka lang ..

Iyon lang naman ang kaya kong gawin .. Hanggang doon lang ..

Napaka imposible mo kasing maabot Morry ..

Nakikita ko sa facebook kung anong klaseng buhay ang meron ka ..

May kotse , may sariling condo unit sa makati grabe ang ganda ng unit mo na nilagyan mo ng caption na : MY LONELY UNIT .

Siguro magisa ka lang nakatira doon .. kaya malungkot ka ..

Kung alam ko lang kung saang condominium yon sa makati baka nag-apply na kong katulong mo ..

Haaayyy ..

Ang saya siguro kung ako ang kasama mo sa unit na yon kahit katulong lang ang papel ko .. Basta araw-araw kitang makikita ..

Baka posible ding main-love ka sa'kin kasi di ba yun naman ang uso sa mga movies ngayon ?

Pero syempre , alam ko namang imposible yun .. sobrang imposible ..

Nalungkot ako nung nabalitaan kong uuwi ka sa korea para sa mommy mo dahil malala na ang sakit niyang cancer ..

Aalis ka ng pinas na hindi man lang tayo nagkita kahit nagkasalubongan man lang sa kung saan .. Hindi ko alam kung kailan ang balik mo o kung babalik ka pa ba .. ?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unread Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon