One Shot Story

499 15 11
                                    

Mikaella Faith Manabat

Andito si Adrian ngayon sa bahay

We're together for 5 years

Since 4th year high school kami na

Ngayon ay kakatapos lang ng graduation ceremony namin at magkasama kami

"Bub, are you ok?" tanong ni Adrian saakin

"Yes bub, bat mo natanong?" sagot ko naman

"Wala lang. Tinitignan lang kasi kita. You are my angel. Napaka swerte ko sayo, love" sabi niya sakin at hanalikan ang kamay ko na hawak niya

"Hindi siguro ako nakakapag graduate ngayon, kung hindi dahil sayo" sabi niya pa

"Bub, thank you for being my inspiration since then. Now, nakapag graduate na tayo, finally." sabi ko sakaniya

Nakita niya na ang family niya at sinama niya ako

Nag mano ako sa mama niya and sa papa niya

"Congrats to the both of you" sabi ni tita Steph at yinakap kaming dalawa

"Thank you ma " sabi naman ni Adrian

"Thank you po tita" sagot ko at ngumiti

Nakita ko si mama kaya pinuntahan ko siya

Hindi ko alam na nakasunod pala sila sakin

Legal kami ni Adrian both sides

Hinayaan kami ng parents namin dahil hindi naman namin napapabayaan ang pag aaral namin

"Tara kain tayo sa labas celebration nito. Jesa, sama na kayo " pag aaya ni tita Steph kina mama

"Ma?" tawag ko kay mama

Alam ko kasi gusto niya kami kami muna

Tumango lang siya at pinagusapan na nila ni tita kung saan kami kakain

***

Napadpad kami dito sa isang restaurant kung saan dito namin icecelebrate pareho ni Adrian ang graduation namin

"Ate Mika, picture ko kayo ni kuya Adrian" sabi ng kapatid ko

"Sige wait lang" sabi ko sakanya

"Bub, picture daw tayo" sabi ko kay Adrian

Kinuha ko yung phone ko at ibinigay sa kapatid ko

Pinost ko ito sa instagram at nag caption ng "We finally made it, bub! I love you"

Dumating na rin ang pagkain kaya nag salo salo na kami na may kasamang kwentuhan rin

***

Nakauwi na kami dito sa bahay at tinawag ako ni mama

"Nak, Mika, proud na proud kami ni papa mo sayo. Buti nalang mas lalo kang naging inspirado dahil kay Adrian. Masaya kami para sainyo. Mahal na mahal ka namin" sabi ni mama sakin

Yinakap ko siya at sinabing "Ma, thank you. Thanyou kase pinayagan mo kami. Para sayo ito ma. Sainyo ni papa at ng mga kapatid ko"

Inabot ko sakaniya ang diploma ko at medalya ko dahil isa rin ako sa mga nag graduate ng cum laude

"Sige na, anak. Pahinga kana muna. Congrats ulit" sabi ni mama at hinalikan ako sa noo

Umakyat na ako sa taas at binuksan ang laptop ko

Napagisipan ko na tawagin si Adrian at sinagot naman niya ang tawag ko

Mika: Bub, naka uwi nako. Kamusta kana?

Stay or Leave Where stories live. Discover now