Oct 30 ng gabi na mag pasya kami ng aking mga kaibigan na mag lakad sa kagubatan. Tatlo kami nag dala kami ng tag iisang flashlight. Walang signal sa gubat kaya ang magagawa lang namin sa cellphone namin ay pandagdag ilaw. 10:37 na ng gabi na nasa kalagitnaan na kami ng gubat, na parang may sumusunod saamin.
Inisip namin na baka maliit na hayop lang ito, kaya't patuloy parin kaming nag lakad. Bigla kaming kinabahan ng may biglang umalulong na aso, mas pinili muna naming mag tawanan para pang alis takot. Habang nag lalakad kami natahimik ang lahat ng may makita kaming babaeng maputi na nakasuot rin ng puting damit.
Ang isa kong kaibigan na lakas lakasan ay nilapitan, pero'y laking gulat na mawala ito. Dahil sa kaba niya ay tumili ng parang babae. Oo tiling babae, kaya't tumakbo sya pabalik sa isa kong kaibigang bahay. Kaya't sumunod na lang kami, 12:23 ng madaling araw hindi kami natulog dahil baka'y may sumunod saaming kaluluwa.
Oct 31. 7:08 ng umaga doon lng kami naka tulog, makalipas ang 6 na oras na tulog naka gising ako 1:48 na ng tanghali nun. Nag pasya kami na bumalik doon at mag sama pa ng maraming kaibigan para mawala ang lahat ng takot.
5:34 ng hapon nag handa kami sa lahat, pito kaming mag kakaibigan na sumubok na bumalik sa kagubatan kung saan namin nakita ang babaeng naka tayong suot ay puting damit. Nag dala ang isa kong kaibigan na mega flashlight, sobrang lakas nitong ilaw na ito.
6:12 ng gabi madilim na nitong panahon na to. Kami ay pumunta na sa kagubatan dala ang aming mga malalaking flashlight. Nung nasa kalagitnaan na kami ng kagubatan , may napansin kaming footprints ng malaking hayop, hindi namin mapaliwanag kung anong hayop ito.
May nakita kaming cottage na maliit at luma na, nilapitan namin ito. Susubukan sana ng isa kong kaibigan na umakyat sa hagdanan kaso delikado na marupok na ang hagdanan, kaya't nilibot nalang namin ito. May napansin akong parang naka tingin na babae sa attic nitong cottage na to, kinabahan ako kaya't tinawag ko ang mga kaibigan ko.
Nung titignan na namin nawala yung babaeng naka titig titig saakin, kaya inilawan ng kaibigan kong may dala ng megaflashlight. Pero laking gulat namin na hindi ito gumana, pero't kaka charge lang nito kanina. Sinubukan ko yung saakin pero namatay rin kina launan, sinubukan na ng mga kaibigan ko na gamitin yung sakanila pero namatay ang lahat. It was very pitch black there but suddenly, may biglang bumagsak sa loob ng cottage, di kami natakot nung time na yun. Pero nung biglang nag si bukasan ang aming flashlight , bigla nalang kaming natakot lahat ng masilayan namin na may babaeng naka lambiting patiwarik saaming harap na duguan.
Nag si takbuhan kami lahat pabalik sa village tumakbo kami ng makakaya namin. Sa wakas naka balik narin kami, at tinignan ko ang oras 11:03 na ng gabi. Nawawala ang isa naming kaibigan kaya kinabahan kami, pero buti nalang nag message siya sa isa sa mga kaibigan ko, dumeretso na siya sa kanilang bahay. Doon kami nag stay na anim sa bahay ng isa kong kaibigan dahil malaki doon, mag kakatabi kami sa iisang kwarto.
2:45 ng madaling araw. Tulog na ang lahat ng kaibigan ko na bigla akong nagising, tila'y may naka tingin saakin sa labas ng salamin nila. Sabi ko saaking sarili bakit ako ang hinahunting? Ginising ko ang lahat ng kaibigan ko, at sinabi nila na wala namang babae sa labas. Kaya't hindi na kami natulog at binuksan namin ang ps3 upang mag laro ng FIFA 14.
Kinabukasan naka-uwi ako saaming bahay, at pag ka gising ko ipinangako na hinding hindi na ako babalik sa gubat na yon.
BINABASA MO ANG
POSSESS
HorrorThis is a scary horror story, this is a 50%real story and 50%fiction. This is tagalog language so only can understand tagalog can read this. Thanks for reading!!