Chapter 3: The Incursion

10 1 6
                                    

Simula ng halikan ako ni Cairo ay iniwasan na niya ako, magi-isang linggo na rin simula ng magtraining ako kasama ang AGO, at magi-isang linggo narin niya akong iniiwasan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, may parte sa akin na natutuwa dahil ayoko talaga ng presensya niya lalo na kapag magkalapit kami pero may parte din sa akin na naiirita, at naiinis ako sa sarili ko para makaramdaman non.

"Oh? Nakakunot nanaman yang noo mo? Ano nanaman ba ang iniisip mo? O baka naman sino ang iniisip mo?" Tatawa tawa ngunit may halong panunudyang sambit ni Aurora sakin na lalong nakapagpairita ng nararamdaman ko dahil naiistorbo niya ang pagbabasa ko.

"Nagbabasa kaba talaga, o iniisip mo si Cairo?"

Bulong ng isip niya na lalong nakapagpainis sa akin.

"Pwede ba, Aurora. Wag ngayon. Wala ako sa wisyo para sa mga pangiinis mo." Pabalang at may halong pagkairitang sambit niya sa dalaga.

"Napakaseryoso mo naman tinatanong ko lang nama kung si---"

"Tumigil kana. Nakakairita." Pagputol niya dito at sinara ang librong binabasa niya at lumabas ng kanyang kwarto, kahit ilang beses siyang tinawag ni Aurora, binalewala niya lamang ito dahil sa inis na nararamdaman niya.

Hindi niya namalayan na nasa paboritong hardin niya na pala siya ng Underworld Academy. Noon, nung hindi pa siya kabilang ng AGO, lagi siyang nandito pero simula ng magsimula na ang kanyang page-ensayo, hindi na siya napadpad dito.

"Mahilig ka rin palang pumunta dito."
Nagulat siya ng makita si Schumi sa ibabaw ng punong katapat ng hardin. Hindi siya agad na nakapagsalita kaya bigla na lamang itong tumalon at namalayan nalang niya na nasa harapan na niya ito.

"Uhm.. O-o e. Kapag masama ang pa-kiramdam ko, dito a-ko pumu-punta." Hindi niya alam kung bakit siya nauutal kapag malapit sa kanya si Schumi. Dahil siguro alam nito ang iniisip, o magiging galaw niya. Isama mo pa ang napakaganda ngunit puno ng misteryo nitong mga mata.

"Pwede mo bang ipakita sakin ang iba mo pang ability?"

"H-a?"

"Noong una kitang makita sa dungeon naramdaman kona agad na hindi lang pagiging healer ang ability na mayroon ka. Kaya pwede mo bang ipakita sakin ang iba pa?" Walang pagaalinlangang tugon nito sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo? Healing lang ang mayroon ako. Dahil sa pagiging hybrid ko kaya---"

"Iba ang nakita at naramdaman ko nung una kong nasilayan ang mga mata mo. Siguro ngayon.. healing palang ang lumalabas sayo pero sigurado ako na may iba pa. At kung gusto mong lumabas ito ng tuluyan, lumayo ka. Lumayo ka kay Cairo dahil siya ang magiging tubig na tutupok sa mga paghihirap na ginawa at sinakripisyo mo." Puno ng sensiridad na sambit sa kanya ni Schumi, at magsasalita pa lamang siya ng tinalikuran na siya nito at umalis na ng tuluyan sa hardin.

Kahit gulong gulo siya ay hindi niya na lamang pinansin ang sinabi ni Schumi, dahil hindi niya na kailangang layuan si Cairo, dahil ito na ang kusang lumalayo sa kanya.

Akmang babalik na siya sa kanyang silid ng naramdaman niya ang isang presensya na pamilyar sa kanya. Napalingon agad siya sa pinanggalingan niyang hardin ngunit paglingon niya ay muka ni Aurora na walang emosyon ang sumalubong sa kanya at ang nakapag-pagulat sa kanyang diwa.

"Ano ba Aurora! Ginugulat mo naman ako!"

"Huwag mong pinapansin ang mga salita ni Schumi. Oo nakakakita siya ng mga future happenings pero hindi ka naman sigurado kung lahat yon ay totoo. Malay mo pinaglalaruan ka lang niya." Seryosong sambit niya sakin.

"I never forget your words Aurora, that I shouldn't trust any immortals surrounds me. Don't worry." Tumango lamang siya at tinalikuran ako. Sumunod nalang ako sa kanya at bumalik na sa aking kwarto dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang aking ensayo kasama ang AGO.

 Underworld AcademyWhere stories live. Discover now