Seryoso Kong tinitingnan ang aking kaharap at pinag aaralan Ang kanyang mukha. Maganda sya at Di Ito nakapag tataka. Dahil nagtataglay Ito ng maliit Na labi, matangos Na ilong at malagong pilikmata. Ngunit kapansin pansin Ang malungkot nitong mga mata, kaya nginitian ko sya upang mapagaan Ang kanyang iniinda... maagap rin naman nya akong nginitian ngunit Hindi Naman Ito umabot sa kanyang mga mata. Naisip kong maaaring may pinagdadaanan lamang Ito kaya nag paalam Na Ako sa kanya dahil may pakiramdam akong nais nya mapag Isa.*
Kinabukasan ay maaga ko ulit syang hinarap at nginitian. At tulad ng dati nyang ginagawa muli nya akong ngingitian. Umaasa akong sa pamamagitan ng aking pagngiti ay maiibsan ko ang kanyang nararamdaman. Napuno ang isip ko ng mga Tanong...
Bakit kaya tinatago nya ang kanyang lungkot sa pamamagitan ng isang ngiti?
Bakit mas gusto nyang mapagisa?
Maipapakita pa ba nya sakin Ang tunay nyang ngiti?
Sino ang nasa likod ng kanyang pagiging malungkot?At marami pang iba...
*
Sa ikatlong araw ay hindi ko sya nakita dahil nahuli ako sa klase at nagmadali para pumasok sa paaralan.Paumanhin guro, Ako ay nahuli sa iyong klase..
Nakayuko kong sabi. Tipid akong nginitian nitoOkay lang, pero sa susunod agahan mo nalamang ang iyong pagpasok. Maaari kanang maupo.
Yun lamang at nagpatuloy Na ito sa kanyang itinuturo. Naupo na ako at naglabas ng libro para masundan ang kanyang tinatalakay.
Matapos Ang ikaapat Na asignatura tumunog ang bell, senyales na pwede na kaming umuwi. Aalis Na sana ako ng biglang may tumapik sakin. Si Dana ang kaklase Kong hyper.Hi best friend! Sabay tayo ah!
Nakangiting bati nito. Tinanguan ko lang sya at Nauna ng lumabas. Best friend nya daw ako?Bessy! Kausapin mo naman ako o kahit ngitian manlang parang pasan mo Kase Ang buong mundo eh... Alam mo ba sabi ng mama ko dapat daw palagi tayong nakangiti Kase nakakapangit daw Ang pagsimangot pero mukhang di naman...kase ang Ganda mo parin tsaka...blah blah blah
At marami pa syang ikinwento. Talaga palang madaldal sya.
Bagamat tinuturing nya akong bestfriend hindi ko parin masasabing kaibigan ko na rin sya.*
Sumama Bigla ang aking pakiramdam matapos kong mabasa sa ulan. Kung bakit ba Kasi nakalimutan ko pa yung payong eh! Kinagabihan mabilis Na bumigat ang aking talukap at dinalaw ng antok.*
Kinabukasan Hindi Ako nakapasok sa paaralan dahil Bigla akong nilagnat kagabi. Wala akong masyadong ginawa kaya nagbasa na lamang Ako ng mga libro ko. Nakakalungkot kung sanang nandito Sila magiging sakitin ba ako? Mukhang Hindi dahil may mag aalaga sana sakin, pero anung magagawa ko? Wala sila rito para gawin Yun.*
Sa sumunod na araw pinilit kong pumasok pero pinauwi rin ako agad dahil di kinaya ng aking katawan. Mukhang nabinat ata ako ah... Dinaluhan naman ako nila Kaye at Dana. Bahagyang nagdiwang ang puso ko, may mga Tao pa palang nagmamalasakit sakin.*
Ngayong araw niyaya Ako ng tiya ko at ng pinsan kong si Sandrie
Para mamasyal dahil Hindi nila akong muling pinapasok. Nag aalala raw Kase sila sakin, kahit pa sinabi kong okay na ako. Nag ayang mag pasama si Sandrie sakin sa palikuran agad ko syang dinaluhan.Nang makapasok sya sa cubicle hinintay ko sya sa harap ng salamin. Sa Di inaasahan... muli kong nakita ang aking kaibigan. Nakakatuwang hindi Na sya gaanong malungkot. Nabigla ako ng mahulog ang aking pitaka bahagya itong bumukas at napatingin ako sa larawan...ko? Gayundin sa salaming kaharap ko.
Ako ang nasa... Kaya pala.
At dun nasagot ang mga katanungan ko.Malungkot Ako dahil pinili kong mapag-isa. Nilayuan ko ang mga taong nagpapahalaga sakin. Mula ng pumanaw ang aking mga magulang natakot akong mapalapit sa mga taong nagmamahal sakin dahil baka iwan din nila ako.
At dun ko napagtantong sa mahabang panahon naging makasarili Pala Ako. Repleksyon ko lang ang tinitigan at binibigyan ko ng atensyon. Habang iniisip nila ako, sarili ko lang ang inaalala ko. Napakasama ko. Napaluha ako at ipinangakong babawi ako as kanila at magpapasalamat sa pananatili nila sa tabi ko at walang sawang pagintindi Sakin.
Dahil natuto nako na...
Wag lang sa salamin tumingin
dapat din nating ilibot ang mata sa tabi natin
Kung San naron ang mga taong alertong nakatingin
Upang samahan tayo sa problemang di natin magisang kakayanin.* Wakas *