Chapter 37: Camping 3

87 4 0
                                    

Jaycee's POV
            Di pa kami nakakatatlong araw bored na agad ako.

Dapat di na ko sumama eh!

"Ngiti ngiti rin tols" bulong ni Cj at inismiran ko lang sya

"Bored na ko, balik na tayo sa tent." sabi ko habang nanonood sa mga naglalarong student

Kung ako sa inyo, magsitulog nalang tayo.

"Nagsasaya pa sila eh"

"Tss. Pwes tayo hindi nagsasaya ok? "

"Edi sumali ka don! Dami mong kaartihan sa katawan eh no" sigaw nya sakin sabay tawa "Kaninang tinanong tayo kung gusto nating sumali ayaw mo, tapos ngayon nagrereklamo ka" sumbat nya sakin

d-.-b

"Matulog na tayo." sabi ko sabay tayo pero siniko nya nya ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako "Ano ba?!" inis na tanong ko

"Ang init naman yata ng ulo mo? Magbo-bonfire pa tayo mamaya baka lumiyab ka na nyan" seryoso pero nakakaasar na sabi nya

"Matutulog na ko--"

"Umuwi ka na." sabi nya sabay seryoso bigla

Nagtaka naman ako.

"Ano?!"

"Umuwi ka na, at dun ka magmukmok sa kwarto mo! Nakakabadtrip to" inis na sabi nya at umaamba pa

"Kung pwede nga lang eh, bat hindi" sabi ko sabay tingin sa mga naglalaro

"Kasi magmamahal ka na nga lang, yung may mahal pang iba."

Napatingin ako sa kanya. Lakas ng pandama neto ah

"Kasalanan ko bang nagustuhan ko sya?"

"Oh alangan namang ako ang may kasalanan diba?"

d-.-b

"Walang may kasalanan, hindi kasalanan magmahal."

"Pero kasalanan ang mang-agaw"

dO__Ob

"Mang-agaw?! Are you serious?! Tingin mo talaga mang-aagaw ako?!" inis na tanong ko at sinamaan nya ko ng tingin

"Pwede kang magsalita ng malumanay"

"Pwede ka ring manahimik para makapagsalita ako ng malumanay"

"tss. Hindi lahat ng bagay nadadala mo mag-isa"

"Alam ko. Kaya nga tinulungan mo ko magbuhat ng tent diba?" pilosopong sabi ko at binagsakan nya ko ng isang suntok.

"Wag mo nga akong pilosopohin, baka mabambo kita" asar nang sabi nya "Eh kung si Kiarah nalang mahalin mo?"

Natahimik ako sa sinabe nya, tanong ako parin ba ang mahal nya? O baka nakonsensya lang sya kasi iniwan nya ko mag isa?

"Minahal mo na sya noon, kaya tingin ko kaya mo yun ibalik ngayon."

"Anong ibabalik? Yung pagmamahal ko sa kanya? Tss. Kala mo talaga madaling makalimutan yon?"

"See, mahal mo pa sya" sabi nya at natahimik ako "At hindi nawala yon"

"Nadagdagan pa nga eh" sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Eh ano mo si Zianna?"

"Ewan."

"BWHAHAHA"

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon