Sa simula pa lang...

9 0 0
                                    

Sa bawat oras, minuto, sigundo na ikaw sana ay aking kasama, kapiling, kausap at iyong nadarama ang aking labis na pagmamahal.

Lungkot ang aking laging nadarama sa  tanong na kailan ka magiging sa akin? Dahil lagi naman akong nasa iyo. Sa iyo kapiling mo, di mo man madalas pinapansin, busy ka man sa mga bagay na sa tingin mo ay mas mahalaga kesa sa akin.

Pag aaral.... Pag aaral na labis mong binibigyan ng oras, panahon at pagpapahalaga. Ako kaya kelan mo ako mabibigyan ng panahon at labis na pagpapahalaga?.

Kaibigan....kaibigan na madalas mong unang nila lapitan sa tuwing ikaw ay may problema,  kausap, kasama at ka kwentuhan sa maraming mga bagay. Ako? Kelan mo ba ako ituturing na kaibigan na una mong tatakbuhan sa lahat ng problema. Kasama at ka kwentuhan mo sa maraming mga bagay.

Pamilya..... Pamilya d mo maranasan ang tunay na pagmamahal, pag aalala at pag aaruga. Kaya hinahanap mo sa tao na sa tingin mo'y magpupuno sa labis na lungkot at galit na nadarama ng iyong puso.

Una.... Ikalawa... Ikatlo.... At marami pang ulit ....mga iyak at pighati  na aking nakikita sa pusong pagod nang magmahal at umibig. Na tuwing sa maling tao mo naiibigay ang labis mong pag ibig.

Isa.... Dalawa..... Tatlo......

Hanggang kailan mo ako pahihirapan?
Kailan ito magwawakas?
Paghihirap tila'y walang katapusan!
Pagdurusa, paghihinagpis, at panaghoy mo'y naririnig nya
Dahil sa simula pa lng ay inibig ka na nya

Mga hamon ng buhay ay parating nakaabang
Paulit ulit na kasalanan ay sa akin ay nakabaon
Natila'y hindi na makaahon
Lugmok na pusong paulit paulit na sinasaktan
Iniiwan ng simuman
Katanungang..... "may nagmamahal ba sa akin?"
Sa bawat Gabi ng pagluha ay tila walang katapusan
Na tanging unan at kumot lamang ang may alam

Sa simula palang ikaw ay inibig na nya
Kasabay ng hangin sa iyo'y bumabalot
Ang pag ibig na tapat at hindi kailanman ay nagsasawa
Magbago man Ang tibok ng puso mo
sa kanya Ay nananatili

Sa bawat pagtingin sa kalangitan ay may kasagutan na natatanaw
Araw na nagbibigay liwanag sa madilim mong pag asa
Hangin na nagbibigay kaluwangan sa paghinga
Mga puno na sa bawat paghampas ng hangin ay nagbibigay musika
Luntiang paligid na tilay inaaliw Ang yung isipan
Buwan na sa bawat pagpatak ng iyong luha ay tila'y nagsasabingbing.... maganda ka at espisyal ka

Sa simula pa lang ikaw ay inibig na
Hindi mahalaga Ang iyong nakaraan
Dahil Ang nakaraan ay nakalipas at pinagbayaran na
Pinili ka na nya bago mo pa sya makilala
Pinili ka nya khit patuloy mo syang tinataboy at inaalipusta
Dahil sa simula pa lang ay inibig ka na

Hindi ka pa man isinilang pinili ka na
Hindi ka pa man nagkakamalay, pinili ka na
Hindi mo pa man nasasambit Ang salitang "Mahal Kita"
Minahal ka na nya
Dahil sa simula pa lang ay inibig ka na nya

Dugo Ang naging kabayaran
Mga latay na kanyang tiniis maligtas ka lamang
Sa krus ng kalbaryo'y tinapos na nya lahat
Makapiling ka lamang
Sakit at karamdam ay pinagaling
Na kahit paulit ulit kang manlamig
Bukas palad ka pa rin nyang pagagalingin
Dahil sa simula pa lamang ay inibig ka na nya

Pag ibig ng tao ay nagbabago, nagsasawa, napapagod
Hindi ka pa ba napapagod?
Sinasabi ng mundong Mahal Kita ngunit
Ang totoo ay winawasak at pinapaasa ka lamang
Hindi Kita iiwan yan Ang mga katagang binitiwan.
Ngunit pait at dalamhati Ang iniiwan

Sa simulang ay inibig ka na nya

Naghihintay na sa kanya ay lumapit

Anak pagod ka na ba? Sa akin ay lumapit

Kapayapaan na ninanais ay sa akin makakamit

Dahil sa simula pa lamang ay inibig ka na nya

Dahil sa simula pa lang inibig ka na nya

Simula pa lang pinili ka na nya

Sa simula pa lang inibig ka na nya

Tatanggapin mo ba?











Who do think I am?Where stories live. Discover now