Gigising ako ng maaga para lang makita ang maganda mong mukha kasi nga kapitbahay na nga kita,mahal pa kita...
"Hi prinsesa ko!!good morning!!"
"Prinsesa mo??sayo ba ako??haha"
"Bakit gusto mo ba iba ang tawagin kong prinsesa?haha wait mag ready na tayo para sa pagpasok natin baka ma late pa tayo"
"sige bye prinsipe haha"At sa bawat hakbang namin eto ako nakatingin sakanya minamasdan ang kanyang napaka gandang mukha sabay sambit na
"ito ang babaeng makikita ko na lumalakad sa gitna ng simbahan papunta sa altar makasal lang saakin"
"hoy prinsipe anong akala mo saakin malandi??"
"hindi ahh"
"bat agad agad yan ang iniisip mo?"
"bakit bawal ba?"
"sa susunod kase isipin mo muna kung kasya ba ang singsing na ipapakita mo sakin bago mo marinig ang oo ko sa sagot mo"
"okay teka patingin ng kamay mo"*sabay hinalikan ang kamay*
"bat mo naman ginawa yun?"
"bago tayo ikasal yun muna ang ibibigay ko sayo pagkatapos nun kahit ano ibibigay ko wag lang mga damit ko"
"diba inaalis din naman yun kapag-"
"tumigil ka nga andito na tayo sa tapat ng school natin kung saan sabay tayo ga graduate with flying colors"
"oo nga haha sige ihahatid na kita ano nga kasi tawag sa course mo??"
"Tourism diba??yung sayo kasi ano??"
"Computer Science" "ahh sige kahit wag mo na akong ihatid ayan lang naman ang room ko malapit sainyo ok na yun"
"sa ngayon papayagan kita basta sabay tayong kumain sa garden tents mamaya ahh"
"oo naman haha byeee~"
"bye prinsesa ko"At nag meet kami sa garden tents kung saan may mga la mesa na pang couple or kahit single...At ayan na dumadating na ang bride!
"hi prinsesa ko!"
"ahh talaga ba??hindi ba pwedeng icing sa ibabaw Ng cupcake mo,unan pag nasasaktan pati na panyo pag nahihirapan??"
"pwede pero mas gusto ko yung ikaw yung bride sa kasal ko"
"nice entrada haha kumain na nga tayo may pa bride bride ka pa dyan"
"ikaw may pa icing,unan at panyo ka pang nalalaman haha"
Araw araw pag may pasok ganun ang eksena sa pagitan namin ni Princess at nararamdaman ko ang presence ng element of love pag andyan sya sa tabi ko..Pag gabi naman at hindi kami busy pumupunta kami sa itaas ng rooftop upang masilayan ang mga nag niningning na bituin sa langit at sabay sasambitin ang awit na "asahan mo mula ngayon pag ibig ko'y sayo"sabay titingin sa isa't isa habang mag katabi na nakahiga at may nginangatang prutas sa tabi ko...
"Napakaganda ng mga bituin habang ika'y nariyan para ka ding isa sa mga bituin kasi nag ni ningning ang araw at mga gabi ko pag andyan ka"
"hayy nako nambola pa pwede bang ako naman ang may sabihin?"
"oo naman prinsesa ko"
"pag ba wala na ako andyan ka pa din?"
"pag ba may isang mas maganda saaking babae ipagpapalit mo ako??"
"bakit naman kita ipagpapalit ehh mahal ka pa sa ginto"
"ikaw parang kang bulalakaw"
"ako?bulalakaw bakit naman?"
"kase hulog ka ng langit,pero sa lahat ng bulalakaw nasa iyo na ang lahat"
"wow princess bakit ba naisip mo yan?"
"ikaw lang kasi andyan para saakin kaya wag kang aalis ahh"
"ikaw nga bigla ka nalang nawawala minsan tapos pag gusto mo dun ka lang sisipot,may pinagkaka abalahan kaba??"
"ako?saan naman ako pupunta?ehh ikaw lang naman mapupuntahan ko ehh ikaw kase minamahal mo talaga akong bwisit ka"
"ayaw mo ba?"
"gusto syempre"
"ehh yun naman pala ehh kaya stay by my side please""It's been 3 years ga graduate na ako with flying colors"
"Congrats prinsipe!"
"ohh bakit ako lang ba ang ga graduate ikaw din kaya"
"pero may sasabihin ako"
"ano yun prinsesa ko"
"sa araw ng graduation mas mabuti kung papanoorin ko nalang na mag martsa ang prinsipe ko"
"bakit naman?"
"ahh basta makikita mo nalang ako sa graduation"
"ok na ako basta andyan ka"
"ako paba?hihiwalay sa prinsipe kong hindi ako pinababayaan"
"so pwede na maging tayo pag katapos ng graduation?"
"pag iisipan ko"
"pinagiisipan pa ba yan,sa tagal ng pinagsamahan natin ohh simula bata pa tayo ikaw lang wala ng iba"
"pag nag oo ako nasa graduation ako,pero pag hindi wala ako ok??"
"ahhh natandaan ko na,next year ka nga pala ga graduate haha ang lutang ko kasi ehh excited na ako"
"sige mag pa gwapo ka para naman maipagmalaki kita"
"osige prinsesa ko para sayo"
"see you later!"Pumunta na ako sa School para gumraduate syempre and di namin kasabay si Princess i think may binili lang yun para saakin..Eto na at nag ma martsa na ako pero tumingin ako sa paligid ay wala si Princess,saan kaya yun nag punta??
Ang daming tanong na bumubuo sa utak ko,bakit wala sya sabi nya susuportahan nya ako hayyy sana okay lang sya...At panahon na para ibato ang aming mga sumbrero,sa pag bato ko ng akin ay biglang nakita ko ang prinsesa ng buhay ko na nakangiti,ang saya namang makita na sinusuportahan ka hanggang sa makatapos ka ng pag aaral,i love you prinsesa ko!!
Pumunta na ako kung nasaan sya naka tayo at naka ngiti kanina..
"princess!" tinawag ko sya pero wala na pala sya..Hinanap ko sya,inikot ko na ang lahat wala pa din sya..Umuwi ako ng malungkot,nag kulong sa kwarto pinilit na binubuksan nila daddy ang kwarto at nabuksan na nila ito.."anak tara sa labas ayun mga bisita mo"
"ayaw ko po.."
"anak bumabagyo na nga sa atin pero pinilit nilang pumunta dito para i congratulate ka lang"
"pakelam ko ba??"
"ganyan na ba yung cum laude na kilala ko??wala man lang pag papasalamat??ohh baka naman si Princess na naman ini-intindi mo??anak matagal na syang patay!!nag i illusion ka pa din dyan"
"dad di ko kasi matanggap!!sya lang yung babaeng mahal ko"
"anak sure pa din naman tayo na mahal ka din ni Princess kahit wala na sya,tanggapin mo na"
"tsaka nak pwede mo naman dalawin sya sa smenteryo sasamahan kita bukas."
"kahit ako nalang dad"
"ok eto susi ng kotse MO regalo ko sayo"
"huh dad??really??"
"ayaw mo ba??"
"syempre dad gusto ko!gustong gusto"
"ohh dahan dahan sa pag d drive ha mag ingat ka"
Pag dating ng umaga...
Ang pinakamamahal kong babae eto nakahiga.."oyy prinsesa ko isama mo na kaya ako dyaan??i am not happy without you..Nang iiwan ka kasi bwisit ka"sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin"i loveyou mahal ko"...Pumunta na ako sa kotse ko..
Driving home on an empty highway i thought about you and i hit the brakes what we had and we were was so clear but right now i can see nothing through these tears...
Kasama ko na sya ngayon sa langit masaya na kami,salamat at kami pa din sa huli..Salamat....Hi ito po ang author nyong si Hawoeuz Camil nalang po in short thank you for reading the first one shot,sana po basahin nyo na rin yung mga susunod,thank you thankyou!!!may isa din po ako na story under Humor na #80 ang highest rank so ang title po ay"Problems Can Be Broken Someday" on going pa sya kaya basahin nyo na din!!
BINABASA MO ANG
Sinimulan Ang Natapos (One Shot Stories by Hawoeuz)
Short StoryHanggang sa huli,hanggang sa muli.