Bakanteng Lote

10 3 1
                                    

Alam niyo ba yung pakiramdam na parang ayaw sa'yo ng mundo?Yung tipong ipinanganak para masaktan, pakinabangan ng iba't hindi binibigyan ng kahit anong karapatan para maging masaya?AKONG AKO yun eh...

'Ni isang beses ba nakarinig kayo ng mga masasakit na salita galing sa mismong bibig ng pamilya niyo? I DON'T THINK SO! Kaya maswerte ka, 'ni hindi mo sila naririnig na sinasabihan ka ng mga salitang unti unting pumapatay sa'yo!

Gigising ako sa umaga. Sinasabi nila maswerte raw yung mga taong nagigising pa kinaumagahan kasi yung iba raw 'di na nagigising, pero ako? hindi ko masasabing suwerte ako, mas gugustuhin ko pang wag nang magising para naman makapag-pahinga na ako.

Kasi alam mo ba kung ano ang pambungad sakin?

"Hoy bumangon kana diyan!"

"Wag kang tatamad tamad pasalamat ka nga't pinapalamon ka rito sa pamamahay na'to at aba pinapaaral pa kaya sana pagdating ng araw pakinabangan ka naman namin O baka naman lumalandi kana sa eskwelahan niyo?!"

"Hoy!pinapaaral ka namin para kami ang manginabang sa'yo hindi iba!"

"Wala ka na ngang pakinabang dito tutulog tulog ka pa?!Napaka-kapal talaga ng mukha mo ano?!"

"Tang*nang 'to parang walang naririnig ah!?"

Oh diba?Gandang pambungad ng araw.

Pag nakaalis ka naman ng bahay.

"Hoy!" sigaw sakin ng isa sa mga kaklase ko,nagpatay malisya lang ako kasi alam ko na kung 'san 'to patungo,napabuntong hininga nalang ako ng malakas nang kwelyuhan niya ako "Kinakausap kita kaya sumagot ka!"  singhal niya sakin, sa takot ko hinarap ko siya.

(>_<)

"Ano nanaman bang kailangan mo Sabrina?"  pagod na pagod kong tanong sa kaniya, hindi lang physically, emotionally pagod na rin ako,na sa sobrang pagod ko anytime gusto ko nang sumuko.

"Oh?Bakit parang suko kana?"  nang aasar niyang tanong habang nakangisi't nakataas ang kilay.

Ito ang problema sa mga taong walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kasiyahan, 'ni hindi manlang nila naiisip na yung mga taong kinakaya kaya nila ay yung mga taong ang kagustuhan lang ay makapagpahinga kahit manlang kaunting oras.

"Pwede ba Sabrina wag muna ngayon?" nagsusumamo kong pakiusap sakaniya,bakas sa boses ko ang matinding paghihirap kaya naman hindi kataka-takang binitawan niya ako matapos kong sabihin ang salitang yun.

Nang bitawan niya ako ay mabilis akong tumakbo.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa 'di ko na namalayan kung 'san na ako dinadala ng sarili kong mga paa.

Wala ring tigil ang pagbuhos ng luha ko habang tumatakbo papalabas ng eskwelahang itinuring ko nang pangalawang impyerno ng buhay ko dahil kauna-unahan ay yung bahay namin O mas mabuti bang sabihin na bahay nila dahil parang hindi pamilya ang turing nila saakin,minsan naiisip ko baka ampon lang ako kaya ganun sila saakin pero imposible kasi magkamukhang magkamukha kami ng mama ko.

Pero 'di ko rin minsan maiwasang isipin kung bakit pa nila ako binuhay kung ang tingin nila saakin ay isang pabigat na anak? Mas gugustuhin ko pang hindi nalang nabuhay sa mundong 'to kung ganito lang naman pala ang pagdadaanan ko.

Hanggang kailan ba ako magdudusa ng ganito?!

Masisisi niyo ba ako kung pati katawan ko sumusuko na sa nangyayari sa buhay ko? Siguro hindi niyo ako naiintindihan kasi hindi niyo naman nararanasan yung nararanasan ko ngayon.

Tila isa na ako sa mga napapanood kong palabas na teleserye sa isang madramang buhay pero totoo itong nangyayari sakin ngayon hindi ito likha ng isang magaling na manunulat, ito yung totoong buhay ko na hindi ko pwedeng takasan.

Wala manlang isang taong maaring tumulong saakin sa oras na nangangailangan ako ng makakausap tungkol sa mga bagay na pinagdadaanan ko sa buhay.

EVERY PERSON AROUND YOU WILL GOING TO HURT AND LEAVE YOU.

Ang mga tao, nagiging mabait lang sa'yo kung may kailangan sila.

Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa pakisamahan ang mga taong mapagkunwari,  mas gugustuhin ko pang walang kasama sa buhay hanggang sa mamatay ako.

Sa mga oras na'to ang gusto ko lang ay magpahinga, magpahinga habang buhay.

"Kailan ba'to matatapos?" napayuko nalang ako nang bumuhos nanaman ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang aking pag-iisip ay puno ng pagdurusa, kung ipagpapatuloy ko pa ba 'to ay may magandang kinabukasang nag-aantay sakin? ngayon pa lang ay sira na, pano pa bukas? sa makalawa? hindi ko na kaya.

Naghanap ako ng bakanteng lote para doon na tapusin ang buhay ko, hindi ko na kaya, sobrang sakit na.

Tumuntong ako sa isang bangko't tinali ko ang aking sariling ulo sa isang lubid, pagkatapos ay bigla kong sinipa yung upuan para matumba ito't wala na akong maapakan.

Doon mismo sa isang bakanteng lote tinapos ko ang aking buhay.







One Shot StoryWhere stories live. Discover now