Amytie's POV
Flashback
"Love, 15 years from now akin ka pa kaya?" sabi ni Tyler habang nakatingin sa aking mga mata.
"Oo naman, baka ikaw nga dyan e" sabi ko.
"Imposible yun, mahal na mahal kita at 15 years from now magsasama na tayo habang buhay" sagot niya naman.
"Ano ibig mo sabihin?" tanong ko.
"Papakasalan kita 😉" sabi niya sabay kindat saakin.
"Sus, baka nga hindi ka makapagintay e" sabi ko naman.
"Pangako, ikaw lang ang pinakahuling babaeng mamahalin ko. Walang ibang nagmahal sakin at minahal ko ng ganito kagrabe at handa ako maghintay. Ipangako mo muna na akin ka lang". sabi niya sabay akbay saakin.
"pangako, sayong sayo lang ako, love" sabi ko at hinarap siya.
"iloveyou" sabi niya at hinalikan ang noo ko.
End of Flashback
Napatingin ako sa phone ko
"6:35 PM. 13, December (Saturday)"
halos 5 hours nalang. Anniversary na namin
Anniversary na DAPAT namin.
Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagpatak ng mga butil ng luha mula sa aking mga mata nang maalala ko na naman ang nakaraan na nais ko ng kalimutan.
Biglang may kumatok sa kwarto ko.
Si mama.
"Nak, kain na muna."
Tumango ako at sumunod.
"Malungkot ka nung mga nakaraang araw ha" halos mabulunan ako sa sinabi ni papa.
"Bat naman po ako malulungkot?" sabi ko habang nakangiti. Okay lang ako, okay lang
"Kamusta na si Tyler Jay? Bat di ko na siya nakikitang tumatawag?" at tuluyan na ako nabilaukan sa sinabi ni mama
"Busy po." pagpapalusot ko. hindi ko maamin na wala na kami, ayoko.
"Talaga? Ikamusta mo ako sakanya."
"Opo."
Pagbalik ko sa kwarto ko ay medyo tumitila na ang ulan.
Napagdesisyunan kong matulog na, bakit pa nga ba ako magpupuyat? bakit pa?
Papatayin ko na sana ang lamp ko ng biglang may magmessage.
Agad kong tinignan sino ito.
Chrolia♡:
'Beks walang pasok bukas'
yown!!! may reason na ako magpuyat
'YIEEE SIGE BEKS TYSM SA INFO' sagot ko kay Chrolia
Habang nagscscroll ako sa nf ko ay may isang nakaagaw ng atensiyon ko
"1 year ago. picture namin."
Ang saya namin. Sobrang saya. Kahit sa mga larawan man lang. Masaya kami.
Nagscroll up na uli ako ng biglang may nagpop up na chat head.
Tyler:
"Amytie..can we talk"