Tula, hindi istorya
Pero sana ang tulang ito na isinulat ko
Ay magustuhan niyo!
Simulan!Mahal kita
Ngunit hindi mo ito binibigyang halaga
Lahat ng ito ay para sa iyo
Ngunit ito'y parang linalampaso mo
Nandito ako sa harapan mo
Tanong ng tanong
Nakikita mo ba ako?Parang lahat ng pagsasakripisyo ko
Ay wala lang sa iyo
Nandun na ako sa tuktok ng bundok
Pero sa iba ka pa rin nakatutokBakit hindi mo ako pinapansin?
Bakit? Dahil sa iba ka nakatingin!
Lahat ng mga sulat at tula ko na para lang sa'yo
Lahat ng iyon ay itinapon moGumawa ako ng paraan para makita ka
Ngunit dumaan ka na may babaeng kasama
Nung nakita kita Kalungkutan ang aking nadarama
Ika'y masaya
Sa bago mong kinakasamaKahit ako'y iyong iniiwasan
Hindi pa rin kita iiwanan
Pero maghahanap na lang ako
Ng mas gwapo pa sayo
At magmamahal sa kin ng totooSana mapagtanto mo
Na hindi lang sya ang tao dito sa mundo
Nandito rin ako
Oo ako, babaeng nangangarap na mapasaiyo!Sayang lng lahat ng mga paghihirap ko
Na itinaya ko sayo
Tapos sa dulo, di naman ako ang mananalo
Ako pa rin ang matataloMasakit man ang mga pinagdaanan ko
Gagawin ko nalang itong hamon sa buhay ko
Hanggang mahanap ko
Ang taong magpapatibok ulit ng puso ko
Ang taong magmamahal sakin ng lubos
Hanggang pakasalan sa harapan ng DiyosPero sanay patawarin mo pa rin ako
Sa lahat ng pagkakamali ko
Hindi ko naman ginusto
Ang lahat na nangyayari ditoPero sana tandaan mo
Mahirap maghanap ng babaeng katulad ko
Na magmamahal sayo ng buong buo
At hinding hindi ka iiwanan kahit gumuho man ang mundo
Bago ko pa makalimutan
Ito pala ang huli kong mensahe na para lang sayo
Mahal pa rin kita hanggang sa dulo ng mundo!