Wearing my red backless dress with a three-inch stilleto, I entered the bar with a smile on my face. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako napapayag ni Mayla na pumunta rito at sumama sa kanila. Girls night-out daw kumbaga. Kung tutuusin, ako lang naman girl sa mga kasama ko.Sa paghahanap ko sa mga baklang kasama ko ay nahagip ng mga mata ko ang mga couples na halos magkainan na ng labi sa mga sulok. Gosh! Why they can't find a room and do that thing there? Kailangan talaga pinapangalandakan nila dito?
Nagpatuloy ako sa paglalakad upang hanapin sila, ngunit napalingon ako sa grupo ng mga lalaki sa isang tabi na nagsisitsitan nung madaan ako. Seriously? Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?
"Miss! Dito ka na lang." Sigaw pa nung isa. Nasundan naman ng mga tawanan ng mga kasama niya. Napairap nalang ako.
Okay? Tingin ko nagsisisi na ako sa pagpunta ko rito.
Urgh! Kung bakit naman kasi nablackmail ako nung baklang 'yon. Hindi na daw niya 'ko pahihiramin ng pera sa susunod kong pag a-apply ng trabaho kapag hindi ako nagpunta. I had no choice but to say Yes. Kung sana may mga kamag-anak ako rito. Edi sana sa kanila na 'ko uutang diba?
"Gaga! Dito!" Naaninag ng mata ko sina Marcelo at Arjhay. Or should I name them, Marcy and Mayla.
Nag-punta na ako agad sa kanila. "Oh, hindi mo kasama si Jenneth?" Tanong pa ni Mayla. Jenneth is our friend also. Like me, may private part naman siyang pambabae kaya hindi siya kasapi kila Marcy.
"Nakita mo bang kasama ko?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.
"Nagsusungit na naman 'to si bakla. 'Wag mo ngang sungitan 'yan si May. 'Di ka na papautangin niyan sige ka." Sagot pa ni Marcy na tutok sa phone niya, katext na naman siguro yung jowa niya.
"Edi sa'yo ako uutang."
"Tarantada! Jowa ba kita?" Napanguso na lang ako sa tinuran niya.
Kumuha naman ako ng beer sa bucket at tinungga 'yon. "Bakit nga pala naka itim kayo parehas? May lamay?"
"Eh bakit ka naka-pula? May jowa?" Sabay nilang tanong sa'kin.
"Mga baliw. Ito lang kaya dress kong natira sa'kin. Binenta ko na 'yung iba." Saad ko pa at pinalibot ang tingin ko sa kabuuan ng bar. This place is really something good. Maybe they're right, I need this. I need to relax. Nung mga nakaraang araw at linggo kasi naging stressful ang paghahanap ko ng trabaho.
Nagsimulang umorder ng pagkain ang dalawa. Ako naman ay nanatiling nakaupo at uminom ng beer.
I got busy watching those couples na sumasayaw sa dance floor. The music suddenly changed, the sweet dance turns into erotic dance. I could see in those couples gestures that they're enjoying. Kung saan saan napapadpad ang mga kamay nila. Mayroong iba halos mag make-out na sa gitna ng dance floor.
Gosh those people! Napairap na lang tuloy matapos mapabuga ng hangin.
"Hoy bakla, anong tinitingin-tingin mo d'yan?" Usisa pa ni Marcy at nagbukas na naman ng panibagong beer gamit ang ngipin niya.
I smiled at her and shakes my head. "Nothing."
"Naku, inggit ka sa mga couples 'no? Ikaw kasi, mag boyfriend ka na nga! Tatandang dalaga ka n'yan." Sagot naman ni Mayla na ngayon ay inaayos na ang pagkain namin.
Iniabot niya sa'kin yung sizzling sisig with rice. "Loka! Trabaho muna hahanapin ko, tsaka na 'yan."
They just shrugged their shoulders at nagngitian pa. For sure, hindi na naman sila naniniwala sa pinagsasabi. Iisipin na naman nila, inookray ko sila.
YOU ARE READING
Carrying The Billionaire's Baby
General FictionR18+ Matured Content Maegan Delfin and Marko Chen's unwanted love story.