chapter 4: Love at first sight?

44 5 1
                                    

Hannah's POV.

Pagkatapos ng klase namin ay dumiretso kaagad kami sa cafeteria. Sila mila at Lu ang nag-volunteer na bumili ng pagkain namin at ako naman ang maghahanap ng mauupuan namin.

After 30 minutes ng paghahanap ng mapwe-pwestuhan ay sa wakas at nakahanap na rin ako ng bakanteng table. Habang naghihintay sa tagal nung dalawang bumili ay naisipan ko munang mag-cellphone.

Habang busy ako sa kacha-chat ay may biglang umupo sa harapan ko na siyang ikinagulat ko. Napatigil ako sa pagta-type at nang makita ko ang taong naupo sa aking harapan ay biglang nagbago ang ekspresyon ng  aking mukha. Nasa aking harapan at nakangising aso ang lalaking kanina pa ginugulo ang payapa kong mundo.

"Hi hannah" sabi niya sabay lahad sa akin ng kamay niya. Tiningnan ko lamang ito at ang nakalahad nitong kamay.

"Close ba tayo?" tanong ko na nakataas pa ang isang kilay ko.

"Well, gusto ko lang naman makipagkaibigan sa'yo. Tulad nga ng sabi mo kanina, you want to be friends with your classmates diba? Kaya ako na ang unang makikipagkaibigan sa'yo. Tutal mabait naman ako pati na rin ang mga kaibigan ko." sabi niya habang nakangiti.

Bago pa man ako makasagot sa kanya ay dumating na ang dalawang kaibigan ko na mukhang nanggaling pa ata sa ibang bansa sa sobrang tagal kung pumili at bumili ng pagkain.

"Oy Chloe, sino yang mga kasama mo?" tanong ni Lu. Inirapan ko lang ito nang makalapit na sila ng tuluyan sa tabi ko.

"Hi boys! Anong mga pangalan niyo?" tanong ni mila sa mga asungot.

Sabay-sabay namang nagsingitian nang matatamis ang mga lalaking nasa harapan namin saka isa-isang ipinakilala ang sarili.

"Ako nga pala si Brad Stephen Simson, 17, your future boyfriend." sabi niya kay Lu sabay kindat.

"Ako naman si James Ramirez, 17, your future husband." sabi niya kay mila

"Kadiri." biglang sabi ko na nagpalingon sa kanila sa direksyon ko.

"Alam mo Chloe, 'Wag kang bitter ha? Nagpapakilala lang naman sila atsaka mukha naman silang mababait. Hayaan mo na." sabi ni Lu.

"Nga pala guys, pwede na ba tayong umupo?" tanong ni mila.

Naupo naman na ang lahat at kung minamalas ka nga naman ay makakatabi ko pa itong lalaking sumisira sa masaya ko sanang araw.

Akala ko pa naman maganda first day of school ko. Ito na ang pinakapangit na first day of school. Ngumiti ito sa akin na siya namang pinanlilisikan ko ng tingin. Ang sarap niyang sipain palabas ng canteen.

Matt's POV.

Ang ganda ng first day of school ko ngayong school year. Noon ay napaka-boring at walang kwenta pero ngayon ay excited at mukhang sisipagin na akong laging pumasok para makita ang kagandahan ni Hannah. She's so beautiful and cute when she's mad. Lagi niya akong sinusungitan ngunit sa tingin ko ay isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya.

Chloe's POV.

Hindi ako nakakain nang maayos kanina sa sobrang inis ko sa mga nangyayari. Heto naman kasing mga kaibigan ko gustong gusto nila na makasama yung mga yun. Next time nga ay magbabaon na lang ako o kaya naman ay di na lang ako kakain para hindi ko sila makasama.

"Mom, dad!" tawag ko sa mga magulang ko pagkapasok ng bahay.

"Nak, wala ang mommy at daddy mo. Hindi ba nila nasabi na pupunta silang states para sa pagpapatayo ng new branch niyo dun?" sabi ni yaya Minda.

"Ay oo nga pala ngayon pala yun ya. Akala ko po sa makalawa pa?" Tanong ko kay yaya Minda.

"Kaya nga eh, sabay na raw nila dadalawin si tita Yna mo kasi kapapanganak daw." sagot naman ni yaya.

"Ah ganon po ba? Sige po pala ya, magpapalit lang po ako ng damit then ako na po magluluto ng dinner natin." sabi ko kay Yaya.

"Ya Minda, saan po nakalagay yung curry powder?" pasigaw na tanong ko kay yaya Minda. Baka kasi hindi niya marinig at nasa malayo ito.

"Sandali lang nak, ito oh. Jusko kang bata ka baka di masarap yang luto mo ha?" pabirong sabi nito.

"Nako ya, kelan po ba hindi naging masarap ang niluto ko?" pabiro ko ring balik sa kanya.

"Eh kasi babago mo lutuin yan." Sagot ni yaya sakin.

"Tiwala lang ya, masarap po yan promise." sabi ko.

After 15 minutes ay natapos din akong magluto.

"Ya kakain na po tayo." tawag ko kay Yaya.

"Wow, galing naman ng alaga ko. Sige nga tikman nga natin." sabi niya.

"Ano ya masarap po ba?" tanong ko naman.

"Hmmmm ang sarap nak. Saan ka ba natututo magluto? Hindi ka naman natuturuan ng mommy mo ah?" tanong nito sa akin.

"Eh ya, hindi ko nga rin po alam. Kapag napapanood ko po sa YouTube yan ay natuto po ako agad." paliwanag ko.

After namin kumain ni yaya ay siya na nag-insist na maghugas ng pinagkainan. Hindi na ko tumanggi kasi masyado akong napagod ngayong araw. Pagkahiga ko ay kaagad din akong nakatulog nang mahimbing.

**

I'm Falling Inlove Again With My EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon