" A Prince to the Rescue "
—[ Third Person Pov ]
Kasalukuyang nasa isang madilim at masukal na kagubatan ang dalawang magkapatid na nagngangalang Elira at Elliana na siyang naglalakbay upang hanapin ang isang kakaiba at mahiwaga na puno na siyang sinasabi na isang daanan daw upang makarating sa isang paraisong lugar. Ang lugar kung saan ang mga katulad nila ay nababagay na manirahan.
"Tama ba 'tong dinadaanan natin Elira? or should I say, totoo kaya na may mundo talaga na para sa atin?" ang tanong ni Elliana sa kanyang kapatid na siyang nauuna ng maglakad habang hawak-hawak ang isang malaking papel na siyang nagsisilbing mapa nila upang malaman ang tamang daanan upang marating ang kanilang paroroonan.
"Base sa mapang hawak ko ay tama naman ang direksiyon na dinadaanan natin, Elliana." ang sagot ng kapatid nito kay Elliana.
" Naniniwala rin ako na totoong may mundo na para sa atin. Ramdam ng puso ko 'yon. " dugtong nito. Tumango lamang ang babae sa kanyang kapatid at sinundan na ulit ito sa paglalakad.Dahil sa haba ng nilalakad ng dalawa ay unti-unti ring napapagod si Elliana samantalang ang kapatid naman nito na si Elira ay pawang sanay na sa paglalakbay at hindi man lang nakikitaan ng pagod sa kanyang katawan.
"Sandali aking kapatid, tayo'y magpahinga muna kahit saglit." hingal na sambit ni Elliana at basta na lamang umupo sa isang nakatumbang puno na nakita nito malapit sa hinintuan nilang pwesto.
Napapikit nalang ang kapatid nito at hinayaan nalang na magpahinga ang kanyang kasama.
Umakyat ang isang babae sa isang mataas na puno at doon pumwesto para magpahinga.
"Dalawang oras na tayo rito ngunit hanggang ngayon ay hindi parin natin nakikita miski anino niyang kambal na puno na 'yan." inis na sambit ni Elliana sa kanyang sarili. Napailing nalang ang isang babae na nakapwesto sa itaas ng puno at uminom nalang ng tubig sa dala-dala nitong tumbler. Sa isip ng dalaga ay tama rin naman ang sinabi ng kapatid nito. Halos dalawang oras na rin kasi silang naglalakad sa loob ng masukal na kagubatan ngunit hanggang ngayon ay ni anino ng puno na hinahanap nila ay hindi parin nakikita.
[ Elira's Pov ]
Naiintindhan ko ang aking kapatid kung bakit naiinis na siya sapagkat maski ako ay gusto ng makita ang punong hinahanap namin para makaalis na rin sa nakakatakot na kagubatan na ito. And, hindi ko rin alam kung may mababangis ba na hayop sa gubat na ito or wala. Hindi ko alam kung safe ba kami rito or hindi.
But it's fine for me kung mapanganib man kasi marunong naman kaming makipaglaban ni Elliana pero sana parin ay wala kasi mahirap ang mapagod. Hayst!
Napabuntong-hininga nalang ako sa kawalan habang nakatingala at nakatingin sa isang buwan na siyang nagbibigay ng liwanag kung nasaan kami ngayon ni Elliana.
Hindi ko alam kung hanggang kailan kami maghahanap sa kambal na puno na iyon upang makarating kami sa magic world pero hindi kami susuko sa paghahanap makita lang iyon.
Yeah! Tama kayo ng nabasa. Papunta kami ngayon ni Elliana sa magic world.
From the world itself 'magic'. Isa siyang mundo kung saan nakatira ang mga taong nabigyan ng ibang mga klaseng kakayahan na wala ang normal na tao lang. Just like us.
We need to go to that world and live there forever kasi hindi itong mundo kung nasaan kami ngayon ang nababagay sa aming dalawa ni Elliana. This world has no people with any gifted talents like magic, sorcery, etc because I know this world called earth is for a normal human only.
Anyways, gusto ko munang magpakilala sa inyo but before that, ang kapatid ko muna ang ipapakilala ko sa inyo. I want you to meet my one and only sister na mahilig kausapin ang kanyang sarili at mahilig magreklamo.
YOU ARE READING
Magixies Academy
FantasyTitle: Magixies Academy Genre: Fantasy, Adventure, etc. Status: Under Revision. Copyright © Henxian_Aze All Rights Reserved.