Chapter 1

8 0 0
                                    

"Cut the crap out Sandy. Don't act as if ikaw yung iniwan ni Dylan dahil ikaw naman yung nang iwan"

Alam kong may mga bagay na kahit anong pilit kong ibalik, kahit gaano ko pag sisihan. Hindi na babalik sa dati ang lahat.

Tanggap ko din kung bakit ganun nalang ang inis sa'kin ng mga kakilala namin ni Dylan. Alam ko naman na naduwag ako at umiwas sakaniya.

Hindi naman naging madali sa'kin lahat yun dahil hanggang ngayon siya parin naman.

"Sandy 'wag mo nalang pansinin mga sinasabi nila sa'yo." Saad si Alliana. Siya ang kaibigan ko simula first year dito sa Chen University.

"Ang sakit Alli, na makita si Dylan na may mahal ng iba. Pero mas masakit palang makalimutan niya."

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasaktan at iiyak nalang pag naalala siya. Isang semester akong nawala para panindigan pag iwas ko sakaniya noon. Dahil kung hindi ko gagawin yun siya lang ang masasaktan sa huli.

Alam ko naman na deserve ko lahat ng sakit na nararamdaman ko.

First year college ako at Senior year na ni Dylan ng magkakilala kami. Puro bangayan ang naging simula namin hanggang sa magkahulugan at maging totoo ang lahat.

Pero anong magagawa ko kahit sobrang gusto ko siya, kahit sobrang mahal ko siya kung yung Mama niya yung lumapit na sa'kin para layuan ko si Dylan. Ayaw kong itakwil siya ng magulang niya dahil sa'kin kaya ako na yung umiwas.

Sinabi kong hindi ko na siya mahal para lang layuan na niya ako para bumalik na sa normal ang lahat.

"Sandy!"

Hindi ko namamalayan na nag sspace out na pala ako ng tawagin ako ni Darren, Nate at Theo. Mga kaibigan ni Dylan simula bata pa sila.

"Andito pala kayo" mahinang sabi ko.

"Sandy hanggang kailan mo kami iiwasan? Namimiss kana namin" -Theo

"Hindi naman ako umiiwas eh" saad ko.

Kahit naman kasi hiwalay na kami ni Dylan hindi parin nag bago pakikitungo nila sa'kin. Kay Darren ko palang nasabi kung bakit ko ginawa yung makipag hiwalay kay Dylan. Kaya alam kong hanggang ngayon nagtataka pa din sila Nate at Theo

"Bumalik na si Dylan" saad ni Darren

"Nagkita naba kayo?" Tanong pa ni Nate

Tumango lang ako bilang tugon sa tanong ni Nate.

"Nakalimutan na niya ako" saad ko sakanila.

After ng break up namin ni Dylan, agad siyang umalis ng bansa. Sabi sa'kin nila Darren hindi na niya tinuloy yung plano niyang mag Masterals. Pag dating niya sa London, inasikaso na niya yung business nila.

Nag enroll lang naman talaga si Dylan sa Grad school dito sa Chen University para magkasama pa din sana kami. Pero nagbago na lahat.

"Hindi ka niya nakalimutan, Sandy. Pinili niya lang na wag ka ng guluhin pa." - Nate

"May fiancé na siya" saad pa ni Theo

Hindi ko alam na bubuhos nalang yung luhang matagal ko ng pinipigilan sa mga narinig ko.

Pero mas mabuti na din siguro na nalaman ko, at maging masaya nalang dahil masaya na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon