Chapter 1:Meeting New Friends

44 0 3
                                    

At the Burrow..

WEASLEY FAMILY

"Guys!Gising na!Ano ba ?Gusto nyo bang mahuli sa pamimili ng gamit!?" sigaw ni Mrs.Weasley.

"Ron,Fred,George,bumaba na kayo dito at nang makaalis na tayo!"si Mr.Weasley.

"Andyan na po!"sigaw ng tatlo habang pababa.

"Ron,gisingin mo na sila Ginny at Mariel"utos ni Mrs. Weasley.

"Opo"sagot ni Ron, bago mabilis na umakyat at pinuntahan sa kwarto ang dalawa niyang kapatid.

Sa Kwarto...

"Ginny!Iel!Gising na daw!"sigaw ni Ron habang kumakatok.

"Gising na 'ko kuya!"sagot ni Iel.

"Eh si Ginny?"tanong ni Ron habang sumisilip sa may pinto.

"Nagbibihis sa banyo"sagot ni Iel.

"Ok.Bumaba na kayo para makapag-almusal na tayo"utos ni Ron.

"Hai!(Opo)"si Iel.

Sa Mesa...

"Ano ?Nailista nyo na ba lahat ng kailangan n'yong bilihin?"tanong ni Mrs.Weasley sa mga anak.

"Opo"sagot nilang lahat.

"Unang taon mo sa Hogwarts Iel kaya ikaw ang may pinakamaraming bibilhin"si Mr.Weasley.

"Opo Papa. Kinakabahan nga ako eh"sagot ni Iel.

"Bakit naman?"tanong ng kambal na si Fred at George.

"Baka kasi sa ibang team ako mapunta"paliwanag ni Iel.

"Ano bang pinagsasabi mo Iel?Wala pa ni isang Weasley ang napunta sa kahit anong grupo maliban sa Gryffindor!" sagot ni Ron.

"Tama siya Iel. Lahat ng mga Weasley ay palaging sa Gryffindor ang bagsak.'Wag ka ng kabahan!" dagdag ni Ginny.

"Sana nga." bulong ni Iel sa sarili.

"Sige na bilisan nyo na ang pagkain,marami pa tayong gagawin!"utos ng nanay nila.

Pagkatapos kumain ay pumunta sila sa Diagon Alley upang mamili at doon nagkasalubong ang magbabarkadang Ron,Hermione, at Harry.

Sa Diagon Alley...........

"Harry! Mione!kamusta na kayong dalawa?" masayang bati ni Mrs. Weasley sa dalawa bago niyakap.

"Mabuti naman po! Kayo po?"anas ng dalawa

"Mabuti rin ako." masayang sagot ni Mrs. Weasley

"Nasan po si Mr. Weasley?" tanong ni Mione

"Pumasok na si Arthur sa Ministry kaya ako lang ang kasama nila Ron mamili." sagot ni Mrs. Weasley

"Harry! Mione!" tawag ni Ron papalapit sa kanila.

"Ron!" bati ng dalawa sabay yakap kay Ron

"Musta na?" tanong ni Ron

"Mauna na muna ako sa inyo mga bata,pupunta muna ako sa Gringgotts"sabi ni Mrs. Weasley bago umalis.

"Hintayin nyo ko dyan ah! Babalik din ako kaagad!" pahabol na sabi ni Mrs. Weasley bago nawala sa kumpol ng mga tao.

"Oh,Ano?!Sagutin nyo ko"natatawang sabi ni Ron.

"Mabuti naman!kasama ko ang kapatid ko ngayon para mamili ang gamit nya"sagot ni Mione.

Sa ngayon ang pag-uusap nila ay kasama na ang iba pang kapatid ni Ron.

"Talaga?May kapatid kang mag-aaral sa Hogwarts?"tanong ni Fred.

"Oo"sagot ni Mione.

"Meron din kami"si George.

"Talaga?Pakilala nyo naman sa'min"si Mione.

"Sira!Kilala nyo na sya. Si Iel"sabat ng kararating lang na si Ginny,kasama si Iel na may dala-dalang mga libro.

"Hello Ate Mione,Kuya Harry! Musta na?!" bati ni Iel.

"Mabuti naman kami!"masayang bati nila Harry.

"Mione,ba't 'di mo ipakilala ang kapatid mo?"sabi ni Harry.

"Wait.Elaiza!Halika dito!May ipapakilala ako sa iyo"tawag ni Mione sa kapatid na tumitingin ng broomstick.

"Sinong ipapakilala mo ate?"tanong ni Elai.

"Eto nga pala ang mga kaibigan namin ni Harry. Ang mga Weasley.Si Ron,ang bestfriend namin ni Harry.Ang kambal na sina Fred at George.Si Ginny at ang bunso na ka-year mo,si Mariel."pakilala ni Mione sa magkakapatid.

"Kinagagalak ko kayong makilala!"bati ni Elai kila Ron bago binaling ang atensyon kay Iel.

"Sana maging magbestfriend tayo tulad ng mga kapatid natin"masayang sabi ni ni Elai kay Iel.

"Same here!"sagot ni Iel.

Habang nagkwekwentuhan sila Elai at Iel.Nag-uusap naman sila Harry tungkol sa kanya-kanyang karanasan sa buong bakasyon.Nang...

"Kaya pala parang palengke sa side na 'to ng Diagon Alley. Dahil pala sa mga walang kwentang "GRYFFINDORKS"asar ng bagong dating na sina Draco Malfoy.

Different Dimensions(Gryffindor vs. Slytherin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon