Nasa evelator si Mean at hawak ang kanyang cellphone at sinusubukang tawagan ang kanyang nobyo na si Plann pero hindi ito sumasagot, ikatlong beses na niya itong sinusubukan na tawagan pero walang sumasagot.
Habang naglalakad si Mean sa lobby ay saka sumagot si Plann sa ika 4 na beses na tawagan niya ito.
"Nasaan ka?." Di pa nakakapagsalita si Plann ay tinanong na niya ito agad
"Ah ehh nasa grocery store ako, mahina kasi signal dito pasencia ka na di ko napansin na tumatawag ka."
"Hmmm ganun ba."
Parang hindi makuhang maniwala ni Mean na nasa grocery store pa si Plann ng ganitong oras dahil madalas maaga ito kung mamili.
"Oo, ahm pauwi ka na ba??" Tanong ni Plann na parang nauutal
"Hindi pa, may mahalagang meeting pa akong pupuntahan. Gagabihin ako ng uwi."
"Sige magiingat kayo. Tawagan o ipaalam mo sakin kapag pauwi ka na." Nauna pang ibinaba ni Plann ang telepono bago pa man makapagsalita ulit si Mean
"Sa condo na tayo." Utos nito sa driver na kanina pa naghihintay ng direksyon.
.......
"Whew! Akala ko mabubuking na ako ni Mean, buti na lang at naniwala naman at may mahalagang meeting siyang pupuntahan." Sabi ni Plann habang bumabalik sa pag upo
Sa kasalukuyan nasa isang coffee shop pala ito at kasama ang mga kaibigan mula sa college.
"Hindi rin kasi kita maintindihan, kung bakit kailangan na magsinungaling ka pa dun sa fiance mo, kung pwede naman na magpaalam ka ng mabuti hindi ba?" Sagot ni Gun na nakaupo katabi ang nobyong si Mark.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Naghahanap ka lang talaga ng gulo, alam mo namang may pagka-praning yang nobyo mo." Sabat ni Mark habang iniinom ang kapeng enorder
"Di rin naman papayag yun, eh kesyo baka anong kalokohan na naman daw ang gagawin ko at lalo't kayo ang kasama ko, walang tiwala sa inyo yun." Patawang sagot naman ni Plann at inubos ang kape
"Di parin pala nawawala yang "TRUST ISSUE" ni Mean, magpapakasal na nga kayo sa susunod na taon eh, tsk. Pabuntis ka na kaya?"
"PATAWA KA." Sagot ni Plann kay Gun na ngayon ay tawang-tawa. "Gagabihin na naman siya ng uwi, at tatawag yun kapag pauwi na. Inom kaya muna tayo? Konti lang."
"Ikaw bahala." Sabay na sagot ni Mark at Gun
——
10:30PM
"Di pa ba tumatawag si Mean sayo?" Tanong ni Gun habang hawak ang isang bote ng alak
"Hindi pa naman, gagabihin talaga yun. Minsan nga madaling araw na nakakauwi. So taposin na lang natin ito tsaka uwi na tayo" Medyo namumula na ang pisngi ni Plann dala nadin ng alak.
Mahaba pa ang pinag usapan ng magkaibigan hanggang sa umabot ng alas dose ay nag desisyon na silang umuwi.
"Sigurado kang kaya mo na umuwing magisa?" Tanong ni Mark na hawak ang nobyong lantang gulay "Kung hindi lang sana nalasing itong kumag edi sana inihatid ka na namin."
"Ayos lang! kaya ko, malapit lang naman ang condo namin dito, sige mauna na kayo."
At sumakay na nga sa kotse ang mag nobyo at umalis na.
Nagtataka si Plann dahil madaling araw na ni walang text o tawag si Mean kung papauwi ba ba ito.
Di niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba bigla.