Dedicated po sayo kasi lagi ka nagrereply sa mga messages ko, salamat!
--
Nandito ako ngayon sa isang sikat company sa Makati for an interview. Sa totoo niyan, pasok na talaga ako kaso kailangan daw muna ng interview. Daming alam!
"Cynthia Chua, 22 years old, single, Top 10 sa Board Exam, and experienced," sabay tingin sa akin ng lalaking nagpakilalang Mr. Ben Santos. Head daw siya ng HR Department at halata sa kanya na isa siya kagalang-galang na tao. "Impressive and profile mo Ms. Chua."
"Thank you po Sir Santos," agad kong sagot dahil gusto ko na maging maganda ang impression niya sa akin. Dapat alert.
"Welcome to AC Company, i want to be straight and honest. There are a lot of companies offering you twice the salary we can give you. Why here?" Halatang nagtataka siya na itong company nila ang napili ko. Hindi siya nag-iisa. Halos lahat ng friends ko nagulat.
Tinignan ko siya sa mata, ngumiti, "I believe that AC Company is having so many problems recently, and I want to share my skills and talents to help this company to become stable and earn more investors."
Ngumiti siya, at alam kong tapos na ang pag-uusap na ito. Tumayo siya, "The Director wanted to meet you."
Napanganga ako. WHAAT? WHY?? Ganito ba dito? Lahat gusto mameet ng Director??
Cynthia umayos ka. Binalik ko ang sarili ko sa katinuan at hinatid ako ni Mr. Santos kay Mr. Director.
---- OFFICE OF THE DIRECTOR ----
"Director, nandito na po si Ms. Chen." Sabay na sinabi ni Mr. Santos habang kumakatok.
"Let her in." Sabi ng Director mula sa loob. Halata sa boses na maawtoridad itong tao.
Binuksan ni Mr. Santos ang pinto at sinenyasan akong pumasok. Pumasok kami at nakita ko ang isang napakagandang office. Kitang-kita ang buong lugar pag tumingin ka sa glass window. Malapit sa bintana ay table na at upuan na nakatalikod sa table at sa amin.
"Thank you Ben, you can leave us now," lalaking-lalaki yung boses. Agad naman lumabas si Mr. Santos. "Ms. Chen please take a seat." at agad akong umupo sa katapat na upuan.
"Good morning Director," bati ko.
Humarap siya at napanganga ako. Hilig mo ngumanga teh, baka pumasok langaw jan.
"Long time no see, Cynthia," Si.... si... si Anton.
~Flashback~
Anniversary namin ngayon ng baby ko. Kaso hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga eh, pinuntahan ko siya sa lahat ng rooms niya bago mag-start and mga klase namin. Magkaiba kasi kami ng course. Tinatawagan ko siya kanina kaso hindi niya sinasagot. Pinagtanong ko na din sa mga ka team niya sa basketball pero hindi pa daw nila nakikita mula kahapon.
ring... ring... ring...
Tumatawag na si Anton. Sinagot ko agad.
"Hello baby, saan ka now? Kanina pa kita hinahanap." Malungkot kong sabi.
"Baby dito ako sa Dorm ko, hindi kita masusundo ah. Aalis kasi ako. Busy ako kaya hindi ako nakapasok," Di man lang sinabi sakin, pinag-aalala ako.
"Eh baby, pwede ba tayong lumabas mamaya?" Siyempre kailangan namin magcelebrate noh. Anniv nga namin diba.
"Itetext nalang kita baby." binaba niya na yung tawag.
Anong gagawin ko? Mabuti pa mamili nalang ako ng mga rekado tapos ipagluluto ko si Anton. Sosorpresahin ko siya. Agad akong namili at dumiretso sa dorm ko. Nagluluto ako ngayon ng arozcaldo. Paborito niya to eh. Pagkatapos na pagkatapos ko, nilagay ko sa matinong lalagyan at dumiretso na sa dorm ni Anton.
Nasa pinto na ako ng dorm niya. Binuksan ko ang pinto. Hindi naman nakalock. Wala siya dito sa sala, nilapag ko sa lamesa yung pagkain. Pag punta ko sa kwarto... ako ang nasorpresa.
Kasama niya si Camille, best friend ko. At gumagawa sila ng milagro.
Tumulo ang luha ko at sinugod ko sila.
Black belter ako sa taekwondo, alam nila yon. At ngayon alam na nila ang pakiramdam kapag niloko mo ang isang black belter. Pag katapos ko silang saktan umalis na ako. Pero bago ako makalabas ng pinto ng dorm ni Anton, nahawakan niya ako sa braso.
"Baby, magpapaliwanag ako," pero hindi ako ganon katanga. Hinarap ko siya at sinipa doon.
Umalis na ako habang nakabaluktot siya sa lapag sa sobrang sakit.
~END OF FLASH BACK~
"Anton..." Nakatingin lang ako sa mata niya. Bumalik lahat ng sakit na akala ko natakasan ko na.
"Baby," tumayo siya at lumuhod sa harap ko. "Baby ko, please hayaan mo akong magpaliwanag."
Tumayo ako at akmang aalis na. Pero hinabol niya ako habang nakaluhod at umiiyak.
Napaiyak ako ang sakit, napakasakit.
"Alam mo bang ayaw ng mga magulang mo sakin? Wala daw akong magandang naitutulong sayo. Pinagbantaan nila ako at ang pamilya ko pero wala akong paki-alam pero sinabi din nila na papahintuin kanila sa pag-aaral at papalipatin sa lugar kung saan hindi na kita muling makikita," umayos siya at umupo, "alam kong marami kang pangarap. Ang pag-aaral mo ang priority mo at ang maging successful ang pangarap mo," tumingin siya sa akin, "pumayag ako, pero sabi nila dapat daw ako makipag-sex kay Camille. Alam kong kagustuhan yon ni Camille dahil matagal na niya akong nilalandi. Noong una ayaw kong pumayag. Pero gagawin daw nila talaga ang plano nilang pagpapalayo sayo kaya sinunod ko na."
Nagulat ako. Sila mommy at daddy, alam ko napilitan lang sila sa pag ampon sa akin dahil sila nalang ang natitira kong kamag-anak. Pero hindi ko inaasahan na ganito sila kahigpit.
"Hindi ko alam ang gagawin ko noong umalis ka, kapag nakikita kita sa school gusto kita lapitan pero alam kong wala din namang patutunguhan," may tumulong luha sa mata niya, "ngayon successful na ako baby, at malaki na ang investment ko sa kumpanya ng magulang mo. Gusto ko sana silang pagbayarin sa ginawa nila sa atin pero alam kong mali iyon. Bahala na ang karma sa kanila. Baby pwede bang tayo nalang ulit, habang buhay?" Ngumiti siya sa akin.
"Ligaw muna baby," kumislap yung mata niya. Tumayo siya at niyakap ako."
"Cynthia, baby ko, mahal na mahal kita, mas tumindi yon at titindi lalo sa pagtagal ng panahon." hawak niya ang dalawa kong kamay at hinalikan niya ako.
BINABASA MO ANG
Baby Come Back (ONE SHOT)
RomanceMinsan, bago ka masaktan, dapat alamin mo muna ang buong pangyayari.