Chapter 1

3 0 0
                                    

2017

Kang Seulgi

"5 minutes before the show starts. Mag-ready na kayo. Remember, 4th group kayo, tatawagin muna ang EXO bago kayo, okay?" Tumango-tango naman kami sa sinabi ng staff.

Nag retouch nalang kami dahil kanina pa kami naayusan ng mga stylist unnies namin. Nakikita kong inaayos ni Irene unnie yung damit ni Yeri. Si Joy naman ay kanina pa nasa harap ng salamin.

May inaayos pa ba 'to? O pinupuri nanaman yung sarili sa harap ng salamin?

Napailing nalang ako sa naisip ko. Si wendy naman, ayun, naka-earphones at naghu-hum.

After 5 minutes, pinaready na kami. Pinapunta na kami malapit sa entrance ng stage. Pagka-punta namin sa entrance, tinignan ko yung listahan ng pagkaka sunod-sunod ng mga artists. Unang tatawagin yung BTOB, pangalawa is Wanna One.

Nasa kabilang entrance yung ibang groups kasi alternate kami. So, Exo-sunbaenim at si Sunmi unnie nasa kabilang stage kasi si Sunmi unnie tatawagin after namin.

Narinig ko nalang nag-ehem si Wendy kaya napatingin ako sakanya. Nakita kong sinisiko-siko niya din si Joy, sakto namang nakita kong dumaan sa gilid namin yung BTOB.

Kaya pala.

Pagdaan nila ay nag-bow sila sa'min kaya nag-bow din kami sakanila. Nakita ko namang nagkatinginan si Joy at si Sungjae at sabay silang nag-bow sa isa't isa at ngumiti.

Ay sus.

Napatawa nalang ako at napailing-iling.


Binasa ko pa yung listahan after ng kay Sunmi unnie at napatigil ako sandali.

Bangtan Sonyeondan.

Napatingin naman ako sa likod namin at sakto namang nakita ko silang paparating at nahagip agad siya ng mata ko.

Park Jimin.

Umiwas agad ako ng tingin.

Nag-ehem nanaman si Wendy, hindi na ako lumingon dahil alam ko naman nang ako yung pinaparinggan niya ng ehem-ehem na yan. "Mic Drop~ Mic Drop~" Mahinang kanta ni Wendy malapit sa may tainga ko. Sinisiko ko naman siya. "Ba't ba? Kumakanta lang naman ako eh." Pangangatwiran niya. Napailing nalang ako.


Maya-maya ay nagsimula ng mag-tawag ng mga artists yung MC. Natawag na yung Wanna One at BTOB sunbaenim. Nag-ready na kami nang marinig na namin na natawag na yung Exo sunbaenim.


"RED VELVET!" Pagkarinig namin nun ay nauna nang maglakad papunta sa stage si Irene unnie at saka na kami sumunod. Nakangiti naming sinalubong ang sigawan ng Reveluvs.


Natawag na lahat ng artists. Napatingin ako sa left side namin at nakita kong yung dalawang MC lang yung pumapagitna sa'min.


Pinipilit kong hindi tumingin. Ayokong mag cause ng kahit anong issue. Hindi pa kami ganun katagal dito sa 'Idol world'. Ayoko ding masira yung career niya, lalo na't mas lumalaki yung fanbase nila at madami na silang nakukuhang magandang feedbacks sa mga tao.


Tinitignan ko nalang yung mga fans. Yung crowd habang may hawak silang mga light stick. Pinapakinggan ko nalang din yung dalawang MC para lang hindi ako mapatingin sa gawi nila.


Maya-maya din ay pinabalik na kaming mga artists backstage para mag-ayos. 7th out of 15 artists kami sa mga magpeperform kaya after naming magpaayos ay pupunta na kami sa table namin. Blackpink ata kasama namin sa table.


Ako ang unang natapos na ayusan kaya nagpractice-practice muna ako sa hallway habang naka-earphones. Naputol lang ang pagpapractice ko nang may maramdaman akong kumalabit sa balikat ko. Tinanggal ko naman yung earphone ko nang makita kong si Irene unnie 'yon. "Bakit, unnie?" Tanong ko.


"May naghahanap sa'yo sa labas. Hindi ko pwedeng papasukin eh." Sabi niya. Napakunot naman tuloy noo ko.

Sino naman kaya yun?

Tumayo na ako at nag-lakad papunta sa pintuan. Pagkabukas ko ay wala namang tao kayo lumabas ako at lumingon sa kaliwa, nagulat naman ako ng makita ko siya. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sabay sara ng pintuan ng dressing room. "Baka may mag-picture sa'tin dito." Sabi ko habang palingon-lingon ako, tinitignan kung may nagt-take na nga ng picture namin.

Naramdaman ko naman yung palms niya sa pisngi ko at dahan-dahan akong iniharap sakanya. "Wala, okay? Chill ka lang. Kilala ko yung mga staff dito sa hall na 'to, kaya wala kang dapat ipagalala." Sabi ni Jimin habang nakangiti.

Ngumiti din ako pabalik sakanya. "So, bakit ka ba nandito?" Tanong ko ulit sakanya sabay hawak sa dalawa niyang kamay na nasa pisngi ko at ibinaba ko ito, pero hindi ko binitawan. Never.

"Bakit?" Tanong niya at inilagay sa likod ng tainga ko yung buhok kong nakaharang sa mukha ko. "Hindi ba pwede? Namiss kita eh. Hindi ko kayang umupo lang dun sa dressing room namin at isipin ka, kailangan kitang makita." Nag-cringe ako at kinilig din, at the same time, dahil sa sinabi niya.

"Corny mo." Sabi ko at mahinang tumawa. "Okay ka na? Nakita mo na ako eh. Pwede bang bumalik ka na po doon para makapag-practice ka pa bago yung performance niyo?" Mahinhin kong sabi.

Nag-pout naman siya. "Ayaw mo ba ako dito?" Nagpapa-cute niyang tanong.

"Hindi naman sa gano'n pero kailangan mo pa din mag-practice para hindi ka madistract mamaya." Sabi ko.

"We practice all the time. I've practiced enough para makabisado yung mga dapat kong gawin sa stage. Pero sa tingin ko nga madi-distract ako. Pakiramdam ko magkakamali ako." Sabi niya. "Magkakamali ako ng tingin. Kasi baka imbis na sa camera ako tumingin, baka sa'yo ako mapatingin. Tapos baka nga madistract ako kasi pinapanood ako ng girlfriend ko." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Alam niya talaga kung paano ako pakiligin.

Napangiti naman ako. Feeling ko tuloy namumula na ako dito. "Bumalik ka na nga!" Sabi ko at mahina siyang tinulak.

Tinawanan niya naman ako at mahinang kinurot yung pisngi ko. "Galingan mo mamaya ah?" Sabi niya.

Tumango naman ako. "Ikaw din. Galingan mo." Nakangito ding sabi.

Naglakad naman siya palayo habang nakalagay yung dalawa niyang kamay sa bulsan niya pero habang naglalakad siya ay nakaharap pa din siya sa'kin. Nakita ko namang bigla siyang nag-mouth ng words. 'I love you'.

Ngumiti naman ako at nag-mouth ng 'I love you too'. Ngumiti naman siya ng bongga at saka tumalikod. Napayuko naman ako habang nakangiti at umiiling-iling.

Hays. Park Jimin and the things he can do to my heart. He really knows how to "shake my heart".

___

Sa mga hindi naka-gets, kaya naka "" yung shake my heart kasi yan yung sa Boy In Luv. Yung wae nae mameul heundeuneun geonde ganurn! And kaya maiksi lang kasi parang intro ko lang 'to para sa dalawa. Ganurn. So ano, yun lang AHAHAHAHA skl

___

BlueKookie147_II

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Maze || Seulmin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon