IV-Patience [PROLOGUE]

52 0 0
                                    

PROLOGUE

Paano kung ang mga itinuturing mong mga kaibigan,

Sa isang iglap,

Ay agad ka na rin kalimutan?

Dahil sa isang Maling Akala na pinaniwalaan

ng mga pinagkakatiwalaan mong mga kaibigan,

“Please lang paniwalaan niyo ako! Hindi ako! Hindi ako ang gumawa non!”

Nagbago ang lahat.

“At sino ang gusto mong pagbintangan namin?! Malinaw na malinaw! Ikaw ang gumawa ng sulat na yon!”

Ang dating ikaw na maraming kaibigan,

Sa isang iglap ay talikuran ng lahat.

“Lumayo ka sakanya girl! Kung ayaw mong magalit si ****.”

Ang dating ikaw na masayahin,

Ay nawalan na ng dahilan para mabuhay.

“Ano pa?! Ano pang rason ko para mabuhay! Wala na! Wala ng natitira sa akin!”

Paano kung pati ang inaakala mong natitira at nag-iisang inaasahan mong kakampi mo ay talikuran ka na rin?

“Sorry. Hindi talaga kita mahal. Si **** talaga ang mahal ko. Kaya please lang sana kalimutan mo na lang ako.”

Ano ng gagawin mo?

Kung ang tanging option mo na lang ay ang…

“Gusto mo bang gumanti sa lahat ng mga nang-api sayo? Hayaan mong tulungan kita. Magbabayad ang lahat ng gumawa sayo nito.”

Ano ng gagawin mo?

“4-Patience. Tamang tama ang pangalan ng section niyo para sa inyo. Be Patience sa pagdating ng kamatayan niyo"

*********** ^____^v ***********

A/N: Pasensya na guyts! Hindi ako marunong gumawa ng Prologue.Pero sana may magbasa pa rin nito. Produkto po ito ng Day dreaming ko at sa mga pagbabasa ko ng mga Mystery/Thriller books dito sa watty. Kaya sana magustuhan niyo. Thank you!!

Class IV, Section: Patience (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon